^

PSN Showbiz

Sheryn ka-level pala ni Aiza at Charice!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Ang dami namang mga intriga at kontrobersiyang lumabas this week. Nakakabigla ‘yung sa singing champion na si Sheryn Regis na may karelasyon pala na tulad niyang babae rin. At nagpa-interview pa ang karelasyon niya na parang artista, para lang ireklamo ang mga hindi magagandang trato sa kanya ng singer. Aba eh, ‘di lalong hindi sila magkakabalikan sa ginawa niya! Pero rito naman sa atin, hindi na nakagugulat ang ganitong balita. Thanks to Charice and Aiza Seguerra na hindi apektado ang career sa kanilang sexual preference.

Ano nga ba ang pakialam ng tao kung bading sila o tomboy? Ang mahalaga ay mahusay sila sa trabaho nila, at hindi naman sila masasamang tao.

Maegan nag-boomerang sa kanya ang mga paninira sa ama

Si Maegan Aguilar ang napintasan sa ginawa niyang paglalahad nang hindi maganda sa kanyang ama. Dito kasi sa atin hindi katanggap-tanggap ‘yung mga anak na humahamon sa kanilang mga magulang. Senyales ‘yun sa kawalan ng respeto at ayaw ng mga Pinoy ng ganung ugali! Pinapatawad pa kung mga magulang ang nagsasalita nang hindi maganda sa mga anak, pero it’s a no-no for children to badmouth their parents.

Kung si JC love less, ang ex-GF niyang si Danita si Willie ang bagong papa?!

Bokya raw ang love life ni JC de Vera. Okay lang, kasi ratsada naman ang career niya. Sa guwapo niyang ‘yun, mawawalan ba siya ng love life? Baka naman time out lang muna siya.

But what’s this I heard about his ex Danita Paner? Sila nga ba ni Willie Revillame? Ang alam ko, good friends ang mom ni Danita na si Daisy Romualdez at  Willie. Papayag ba ito na magkarelasyon ang anak niya at kaibigan? Abangan ang mga susunod na kabanata!

AIZA SEGUERRA

DAISY ROMUALDEZ

DANITA

DANITA PANER

MAEGAN AGUILAR

SHERYN REGIS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with