Ate Vi makikipag-showdown kay Marian
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - May 27, 2014 - 12:00am

Dalawang beses humarap sa press kahapon si Marian Rivera at una para sa launching niya bilang endorser ng Hana Shampoo na ginawa sa New World Hotel sa Makati City.

Kinahapunan, may pocket interview si Marian para sa dance show niyang Marian na ginawa sa Studio 6 ng GMA Network. May feeling kami na first day taping din ‘yun ng dance show at malalaman natin kung si Batangas Gov. Vilma Santos ang na-blind item na actress-politician na isa sa magiging guest sa pilot episode.

Kundi nabago ang line up ng guests, makakasama rin ni Marian sina Maricel Soriano at Alma Moreno. So, sayawan talaga ang Marian na sabi ni director Louie Ignacio, every Sunday ang airing.

Ang next na hinihintay ni Marian na ibigay ng GMA 7 ay rom-com na mala-Korean hit series na My Love from the Star. Kaya raw niyang magpatawa at magpaka-kikay.

Carla tinatambakan ng trabaho

Hindi natuloy ang naka-sche­dule na storycon kahapon ng soap nina Tom Rodriguez at Carla Abellana dahil hindi pa nabuo ang cast to be directed by Laurice Guillen. May working title na ang soap, nakalimutan lang ng kausap namin.

Kundi kami nagkakamali, ang soap nina Tom at Carla ang papalit sa Kambal Sirena.

Si Carla, sa mga Kapuso stars ang may pinakamaraming shows dahil bukod sa Sunday All Stars every Sunday, may sitcom siyang Ismol Family na ilalagay daw sa Saturday slot at magkakaroon ng soap na Monday to Friday.

Kamag-anak ng aktor walang delicadeza, halikan ng magka-loveteam ipinagkalat

Nag-react ang fans ng isang loveteam sa ginawa ng relative ng isang aktor na bida sa katatapos na soap. Nag-post kasi ito sa Instagram (IG) ng picture ng aktor at leading lady na naghahalikan. In bad taste raw ang ginawa ng kamang-anak ng aktor at hindi nirespeto ang nobyo ng aktres.

Hindi namin kilala ang relative ng aktor, pero wala naman siguro siyang masamang ibig sabihin sa pagpo-post ng picture ng mga bida ng soap na naghahalikan. Baka gusto lang i-promote ang soap ng dalawa, saka sa IG naman niya pinost ang picture at hindi sa IG ng aktres o ng BF nito.

Mag-aalala nito ang aktor ‘pag nalamang may na-offend sa ginawa ng kanyang relative dahil mula sa simula, very open na siya sa pagpapahayag ng respeto sa aktres, sa nobyo nito at sa relasyon ng da­lawa. Hindi kami magugulat kung ipa-delete niya sa relative ang picture para wala na lang isyu.

Lotlot tsugi na sa Niño

Comatose ang karakter ni Lotlot de Leon sa Kambal Sirena, pero malaki ang posibilidad na ma­gising ang karakter nito dahil hindi siya natuloy sa Niño. Sa naunang teaser ng inspirational series, kasama sa cast ang aktres, pero sa sumunod na trailer, wala na siya at wala rin sa presscon.

Nalaman naming inalis sa cast ng Niño si Lotlot at ipinalit si Angelu de Leon bilang si Leny.

ALMA MORENO BATANGAS GOV CARLA CARLA ABELLANA HANA SHAMPOO KAMBAL SIRENA LOTLOT
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with