^

PSN Showbiz

Dra. Belo idinenay ang pagbabayad kay Raymart

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Ikinagulat ni Dr. Vicki Belo ang balitang nag-uugnay sa kanila ng aktor na si Raymart Santiago. May bulung-bulungan kasi na diumano’y may espesyal na ugnayan na raw sina Dr. Belo at Raymart.

“Ninang ako ni Raymart and Claudine and all I do is talk to them to get back together. That’s all I real­ly want, I know it’s not impossible with the Lord,” bungad ni Dr. Vicki.

Natawa raw ang doktor nang unang marinig ang balita tungkol sa kanila ng aktor. Binigyan diumano si Raymart ng mahigit isang milyong piso ni Dr. Belo ilang taon na ang nakararaan kaya lalong  umingay ang isyu tungkol sa dalawa.

 â€œEwan ko! Sabi ko, ‘Siguro wala na talagang istorya ngayon. Ako na naman!’ At saka ang pinakamasakit do’n, nagbabayad na naman ako? Ano ba! Gano’n ba talaga ako kapangit? Hoy, excuse me,” natatawang pahayag ni Dr. Vicki.

 â€œI don’t remember, it’s 2007. And I know Claudine never accepts payment for anything eh. Sabi nga ni Jobert (Sucaldito), wala ‘yung pangalan ko do’n sa tseke. Deposit slip lang, so pwedeng imbentuhin ‘yan, ‘from Dr. Belo.’ Wala namang check number na pinakita. So parang kalokohan lang,” giit pa niya. “I’ve been talking to Claudine, and in fact I called her three days ago. She keeps calling me then I call her back, she doesn’t answer, she calls me again, and I’m not near the phone or I’m out. I don’t really know, I don’t know where that came from, honestly,” pagtatapos ni Dr. Belo.  

Pokwang bumabawi sa anak

Bukas ay ipagdiriwang ang Mother’s day pero para kay Pokwang ay magi­ging abala raw siya dahil sa paghahanda para sa debut ng anak na si Ria Mae sa May 14.

“Debut muna ni anak then ilang araw after baka mag-out of town,” nakangi­ting pahayag ni Pokwang. Sadyang napakabilis ng panahon kaya inalala nang komedyante ang panahon na nakadalo siya sa school activity ng anak.

“Noong high school siya, una at huling punta ko sa eskwelahan niya ay ‘yong graduation niya. Nalulungkot ako, marami akong na-miss na mga big event sa buhay niya, pero bumabawi naman ako nang bongga,” kwento ni Pokwang. Nauunawaan daw ni Ria Mae si Pokwang lalo pa’t single mom ang aktres.

 â€œNaiintindihan naman niya kasi ako lang naman talaga ang provider sa pamil­ya at ‘yung tuition niya mahal. Kung pwede nga lang, lahat ng raket kukunin ko,” giit ng aktres.

Hindi raw pinaghihigpitan ni Pokwang ang anak pagdating sa pag-ibig basta ipakilala lamang daw sa aktres ang lalaki kung sakaling may manliligaw na si Ria Mae.   Reports from JAMES C. CANTOS    

                  

 

AKO

CLAUDINE

DR. BELO

DR. VICKI

DR. VICKI BELO

POKWANG

RAYMART

RIA MAE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with