Pangarap ni Tado tutuparin ng kanyang mag-ina
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ang makapaglaro sa Bet on Your Baby kasama ang bunsong anak na si Tila at misis na si Lei ang hiling ng komedyanteng si Tado o Arvin Jimenez bago siya pumanaw  dahil sa isang malagim na aksidente.

Hindi man ito matutupad kasama si Tado, puno naman ng pag-asang maglalaro ang kanyang naiwang mag-ina ngayong Mother’s Day (May 10).

Sa kasalukuyan, mag-isang ipinagpapatuloy ni Lei ang isa raw sa pina­kamahirap na propesyon sa mundo—ang maging ina sa anak nila ni Tado.

Maliban naman sa pa­milya Jimenez, sasabak din sa nakakaaliw na challen­ges sa loob ng Baby Dome ang inang namamasada ng padyak na si Marilyn Palomas kasama ang baby na si Danica at ang career mom na seaman ang mister na si Mimelaine Pendon kasama ang baby na si Mika.

ARVIN JIMENEZ BABY DOME DANICA JIMENEZ MALIBAN MARILYN PALOMAS MIMELAINE PENDON TADO YOUR BABY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with