Pero ikinuha ng multi-million peso insurance, Anne lilipad at sisirko sa buong Araneta
SVA (Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Bonggadera sa lahat nang pinaka-bonggadera ang second solo concert ni Anne Curtis, Annebisyosa 2: The Forbidden Concert! Annekapal!, na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa May 16.

Hindi lang sa biritan lalaban si Anne, kundi maging sa death-defying at “forbidden” aerial stunts na ngayon pa lang gagawin ng kahit na sinong local concert artist at ni-research pa ng Annekapal! team sa abroad.

Lilipad siya sa buong Araneta Coliseum habang sumisirku-sirko gamit ang harness na mula pa sa sikat at sosyal na Broadway production, Cirque de Soleil.

Nu’ng una, ayaw sanang payagan ng Araneta management ang ideya ng paglipad ni Anne sa buong coliseum dahil napakadelikado raw.

Ilang beses nakipag-usap ang Viva Concerts at Annebisyosa Productions Inc. sa Araneta at muntik pa nga silang magpalit na lang ng venue dahil maging ang management ng Araneta ay natatakot sa gagawin ni Anne.

Buti na lang, nagkaayos din ang magkabilang panig at eventually, pinayagan na rin ng Araneta ang gustong mangyari ng kampo ni Anne.

Dahil sa nasabing makalagot-hiningang aerial stunt, ikinuha rin ng Viva ng multi-million peso insurance ang TV host-actress, na excited na excited tuwing nire-rehearse ang gagawing paglipad sa isang concert na first time mangyayari.

Hindi lang ‘yan, dapat ding abangan ng concertgoers ang costume changes ni Anne. Sosyal at state-of-the-art ito, ha. De-pindot ang bawat pagpapalit niya ng damit, na kung tawagin ay mechanical costume change.

Kasama sa gumawa nang mga paandar na costumes ang The Blodes, ang New York based design duo. Sila lang naman ang gumagawa ng mga damit at costumes nina  Beyoncé, Cristina Aguilera, Jennifer Lopez, Miley Cyrus, Katy Perry, Taylor Swift and Selena Gomez at iba pa.

Bukod sa The Blodes, kasama rin ang gawa ni Atsuko Kudo sa pasabog ng costumes ni Anne. Si Atsuko ay  London based Japanese luxury latex wear designer who has dressed Rhianna and Madonna. Atsuko Kudo pieces have graced the pages of Vogue Paris and Italia.

Maging ang Filipino designer born in UK na si Norman Rene Devera ay may ginawa for Anne. Norman is the global head designer of the House of Celine in London & Paris.

Uulan din ng apple sa stage at sasakay ang bida ng Dyesebel sa isang 10-foot apple habang kumakanta, sasayaw ng snake dance at may production number na mala-50 Shade of Grey.

“Lahat ng associated sa salitang ‘forbidden’ – mansanas, ahas -- gagawin at gagamitin ni Anne,” sey ng isang taga-Viva.

Bukod d’yan, mabibigat din ang guests ng TV host-actress. Nariyan sina Martin Nievera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Robert Seña at makikigulo rin sa concert ang trio nina Vhong Navarro, Luis Manzano at Billy Crawford.

Kaya, ‘wag nang magpahuli. Sugod na sa Smart Araneta Coliseum sa May 16 para sa  Annestoppable, Annebisyosa  at Annekapal!  concert ng taong 2014, ang Annebisyosa 2: The Forbidden Concert! Annekapal!”

Ang tickets ay mabibili sa SM Ticketnet.

 

ANNE ANNE CURTIS ANNEBISYOSA ANNEBISYOSA PRODUCTIONS INC ANNEKAPAL ARANETA ATSUKO KUDO FORBIDDEN CONCERT SMART ARANETA COLISEUM
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with