Direk Wenn at DJ ‘nagkabalikan’!
THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - May 6, 2014 - 12:00am

Marami ang natutuwa sa pagbabalikan ng friendship nina Direk Wenn Deramas at ng dati niyang alagang si DJ Durano. All’s well that ends well, ang drama nilang dalawa. Timing naman dahil makakasamang muli si DJ sa isa pang episode ng Moron 5  na nakatakdang gawin ni Direk Wenn.

Samantala, makakatulong ang batian nina DJ at Direk Wenn dahil kaila­ngan ng una ng mas magandang imahe ngayong lalahok siya sa pulitika sa Cebu. Kung sabagay, wala namang seryosong away ang dalawa. Nagkagalit lamang, pero walang narinig na masasakit na salita sa pagitan nila.

Luis sure na ring kakandidato?!

I’m sure hindi tatanggihan ni Batangas Gov. Vilma  Santos ang pagiging bise presidente ng Pilipinas. Ito ang posisyon na iniaalok sa kanya ng mga kampo ng presidentiables sa halalan 2016. Hindi na mahirap pasunurin ang aktres dahil matatapos na niya ang kanyang termino bilang gobernadora. At malaki ang tsansa niyang manalo kung tatakbo siya, hindi lamang dahil sa kanyang popularidad kundi pati na rin sa kanyang mga nagawang magaganda sa kanyang lalawigan. Malaki rin ang maitutulong ng kanyang anak na si Luis Manzano kapag tumakbo siyang bise presidente. Magiging repleksyon ng kanyang good governance ang gagawin din nitong pagpasok sa pulitika.

BATANGAS CEBU DIREK DIREK WENN DURANO LUIS MANZANO WENN DERAMAS
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with