^

Pampasikip ng vagina, may pakontes

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - May 4, 2014 - 12:00am

Pagkatapos ipakilala si Marian Rivera bilang bagong celebrity endorser ng  Belo Medical Clinic, ang endorser ng FemiLift ang susunod na ipakikilala ni Dra. Vicki Belo.

Secret pa ang identity ng FemiLift endorser pero sure ako na pag-uusapan siya dahil bagay na bagay sa kanya ang bagong procedure ng Belo Medical Clinic na ipo-promote niya.

FemiLift ang tawag sa procedure pero mas type ng female patients ni Dra. Vicki Belo ang term na Pussykip.

May pa-contest si Mama Vicki para sa FemiLift o Pussykip. Magbibigay siya ng worth P5,000 na gift certificates sa sinuman na makapagbibigay ng bonggang slogan para sa Pussykip.

Para sa mga type mag-join, i-follow lamang ninyo ang Instagram account ni Mama Vicki, ang @victoria_belo, i-type ang inyong suggested slogan na may hashstag #FemiLiftBelo at siyempre, huwag ninyong kalimutan na i-tag si Mama Vicki.

Ito nga pala ang description ni Mama Vicki sa FemiLift para may idea ang mga sasali sa kanyang slogan contest.

“Non-invasive vagina tightener machine ang FemiLift. It provides a quick, pain-free and comfortable treatment and has a long lasting improvement when it comes to vaginal sensation, stress reduction and controls urinary inconvenience.”

Ang sey ni Mama Vicki, “ We need you! Help us think of a catchy slogan for this machine. Follow, like and repost this picture with your creative slogan for the product. Don’t forget to tag me and use #FemiLiftBelo!

 â€œFour lucky winners with the best slogans will get to win a 5,000 GC of any Belo service of your choice. Winners will be announced Monday morning, May 5.”

Narinig ko ang tungkol sa FemiLift machine nang magkita kami ni Mama Vicki noong nakaraang buwan.

Aliw na aliw ako sa mga kuwento ni Mama Vicki tungkol sa kanyang bagong acquire na wonder machine.

I’m sure, maraming babae ang susubok sa Pussykip, lalo na ang mga babae na afraid na magloko ang kanilang mga dyowa. Sino ang mag-aakala na darating ang araw na maiimbento ang makina na magbabalik sa kiyeme-kiyemeng virginity ng isang babae?   Iba na talaga ang panahon.

ROCHELLE AYAW MAGBAYAD NG DRIVER

Going strong pa rin ang relasyon ni Rochelle Pangilinan at ng kanyang boyfriend na si Arthur Solinap na pinsan ni Dingdong Dantes.

Si Arthur ang pinakamatagal na boyfriend ni Rochelle at p­uwedeng sila na ang magkatuluyan.

Magkasundong-magkasundo ang mga ugali nina Rochelle at Arthur. Gustong-gusto ni Rochelle ang seryoso sa buhay na ugali ng kanyang dyowa. Mula nang magkaroon ng relasyon ang dalawa, parati silang hati sa mga gastos sa kanilang mga date, sa panonood ng sine, pagkain sa labas at out- of- town vacations.

Maganda ang arrangement ng dalawa, Simple ang kanilang paliwanag, pareho silang kumikita kaya normal na mag-share sila sa mga gastos.

Hindi nawawalan ng mga TV project sina Rochelle at Arthur. Regular na napapanood si Arthur sa Pepito Manaloto at mainstay ng Carmela at Sunday All Stars si Rochelle.

May common denominator naman si Rochelle at ang veteran actress na si Gina Pareño.

 Parehong walang mga personal driver sina Rochelle at Mama Gina. Sila ang nagmamaneho ng kanilang mga sasakyan, kesehodang malalayo ang lugar ng kanilang mga taping.

Nasanay na sina  Rochelle at Mama Gina na walang driver. Mas tiwala sila na magbiyahe kung sila mismo ang nagmamaneho. Tumitigil na lang sila sa mga gasoline station kapag nakakaramdam sila ng antok at pagod.

BELO BELO MEDICAL CLINIC MAMA MAMA GINA MAMA VICKI PUSSYKIP ROCHELLE VICKI
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with