Mich natatakot sa kalagayan ni Jam!

(Pilipino Star Ngayon) - May 2, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Mababawi pa ba ang perang nilustay na? Paano ang kalusugan? Paano ang pagmamahalan?

Ito ang kuwento ng buhay at pag-ibig nina Jam at Mich, dalawang tao na nagpakilig sa ma­ra­­ming kabataan sa pamamagitan ng kanilang mga short films na inilalagay sa internet. Isang love story na tinutulan, ipinaglaban, at ipinagmalaki—hanggang sa ito ay inidolo ng maraming teen­agers.

At sa pagharap nila ngayon sa pinakamalaking pagsubok ng kanilang pagmamahalan, ibabahagi nina Jam at Mich ang kanilang kuwento... Mula sa kanilang pagkilala sa isa’t isa, sa kanilang pag-iibigan, at ang pagkalulong ni Jam sa sugal. Bagay na naging sanhi ng kanilang mga pagtatalo. Bagay na siyang, indirectly, ay nagdala kay Jam ng sakit na lung cancer.

Alamin kung paano hinaharap nina Jam at Mich ang challenges sa kanilang pagsasama. At abangan ang pakikipag-usap ni Ms. Mel Tiangco kay Mich, tungkol sa mga kinatatakot niya…at sa kanyang mga idinadasal para sa kanyang minamahal na si Jam.

Itinatampok sina Jake Vargas at Yassi Pressman - Isinugal na Pag-ibig: the JaMich Love Story is directed by So It’s You director Jun R. Lana, sa panulat ni Dode Cruz, at mula sa pana­naliksik ni Georis Tuca. Kasama rin sa episode sina Enzo Pineda, Ces Quesada, at Frances Ignacio.

 

BAGAY CES QUESADA DODE CRUZ ENZO PINEDA FRANCES IGNACIO GEORIS TUCA JAKE VARGAS JUN R MICH
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with