Maya, manganganak ngayong labor day!
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - May 1, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Memorable para sa Be Careful With My Heart viewers ang Labor Day (Mayo 1) dahil ito rin ang ‘labor day’ ni Maya (Jodi Sta. Maria). Matapos ang ilang buwang pananabik nina Maya at Ser Chief (Richard Yap) lalabas na sina Baby Kambal. Anu-anong sorpresa ang ihahanda ng mga Dela Rosa at Lim para sa mga bagong miyembro ng kanilang pamilya? Anong mga pangalan ang mapipili ng mag-asawa para sa kanilang kambal?

Meteor Garden pinananabikan pa rin ng fans kahit maraming beses nang napanood

Ngayong summer ng 2014, mas lalong umiinit ang panahon sa pagbabalik ng Meteor Fever na hatid ng ABS-CBN at Jeepney TV sa pag-eere muli nito ng hit asianovelang Meteor Garden.

Mula noong bumalik ang serye nang nakaraang Marso 31, hinahanap-hanap pa rin ng televiewers ang kwento ni Shan Cai at ang grupong F4 (Flower Four). Hindi lang nila sinusundan ang asianovela sa afternoon slot nito sa ABS-CBN, pero pati na rin sa pag-eere nito sa gabi, hatinggabi, at umaga sa Jeepney TV.

Ayon sa datos mula sa Kantar Media, ang national ratings ng Jeepney TV tuwing umeere ang asianovela sa primetime slot (8 p.m.) nito ay tumaas nang 250% sa total urban Philippines at 239% sa Mega Manila mula Marso 31 hanggang Abril 9, 2014.

Nag-trending din ang Meteor Garden dahil sa fans ng show sa micro-blogging site na Twitter, sa Pilipinas man o worldwide.

Ipinagdiwang din ng Jeepney TV ang pagbabalik ng Meteor Garden sa Spot the Meteor Promo na natapos kahapon. Sa promo ay nagkaroon ng “ultimate throwback experience” ang isa sa mga masuwerteng fan ng show kasama ang isang companion na makakapuntang Taiwan sa Hunyo para bisitahin ang mga lugar na nakikita sa Meteor Garden tulad ng Yingde University at Royal Palm Boulevard.

Huwag palampasin ang Meteor Garden mula Lunes hanggang Biyernes ng 4:30 p.m. sa ABS-CBN at sa Jeepney TV mula Lunes Hanggang Biyernes ng 8:00 p.m. na may replay tuwing 2:15 a.m. at 10:45 a.m. sa susunod na araw. Binabalikan din ng Jeepney TV ang asianovela tuwing Sabado ng 2:00 p.m., 10:30 a.m., at 9:00 p.m. at tuwing Linggo ng 2:30 a.m., 11:15 a.m., at 10:00 p.m. Ang buong Season 2 ng Meteor Garden ay maaaring subaybayan sa Jeepney TV simula Mayo 12.

BABY KAMBAL BE CAREFUL WITH MY HEART DELA ROSA FLOWER FOUR GARDEN JEEPNEY JODI STA KANTAR MEDIA METEOR METEOR GARDEN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with