Nora, Vilma rivals pa rin!
THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - May 1, 2014 - 12:00am

Kahit semi-retired na sila, magkalaban pa rin bilang best actress sina Nora Aunor at Vilma Santos sa isang award giving body na nakatakdang magparangal sa mga pelikula at artistang lokal. Ibig sabihin lang, hindi pa kumukupas ang magkaribal. At kahit sa indie at hindi sa mainstream sila guma­gawa ng pelikula, nagkukrus pa rin ang kanilang mga landas.

Richard ipakikita ang galing sa martial arts

Mabuti naman at sasabak na rin sa pelikula si Richard Yap. His fans will surely appreciate na makita siyang nag-aaksyon para maiba naman sa napapa­nood nilang pagiging asawa nito kay Jodi Sta. Ma­ria at pagiging nakatakdang ama ng kambal.

Marami ang hindi nakaaalam na isang martial expert pala si Ser Chief. Akala nila ay kusinero lamang ito. Ngayon, makikita na nila na versatile rin pala ito. Let’s hope magustuhan nila siya sa action.

Chiz walang planong takbuhan si Heart

Kilig naman ang mga manonood sa ginawang kumpirmasyon ni Sen. Chiz Escudero na pakakasalan niya si Heart Evangelista. May inaayos lamang siyang konting problema, pero sandali na lamang at magi­ging mag-asawa na sila ng aktres.

Kaya, kayong maka-Heart, huwag na kayong mainip. Hindi tatakbuhan ng senador ang idolo n’yo.

CHIZ CHIZ ESCUDERO HEART EVANGELISTA IBIG JODI STA NORA AUNOR RICHARD YAP SER CHIEF VILMA SANTOS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with