That’s My Tomboy finalists, maghaharap-harap uli
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - April 28, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Maaaring si Ephey Herher ang tinanghal na grand winner sa That’s My Tomboy ng It’s Showtime, ngunit pagdating sa kantahan at hulaan ng tamang lyrics, makabawi kaya ang finalists na sina Pao Faraon, Sky Teotico, at Kim Andaya sa kanya? Tunghayan ngayong Huwebes (Mayo 1) sa pagtuntong nila sa entablado ng The Singing Bee. 

Bubuksan naman ng daily winners noong nakaraang linggo na sina Tetay, Sherylene Castor (kalokalike ni Jinkee Pacquiao), Markki Stroem, at Red Concepcion ang isa na namang masaya at kapana-panabik na linggo sa pagbabalik nila ngayong Lunes (Abril 28). Masusungkit na kaya ng isa sa kanila ang mailap na P1 milyong jackpot?

Maghahamunan sa bee-ritan ang teen stars na sina Sue Ramirez, Diego Loyzaga, John Manalo, at Hopia Legaspi sa Martes (Abril 29), habang sasabak sa naiibang kantahan ang mga mang-aawit na sina Paolo Santos, Jimmy Bondoc, Luke Mejares, at DJ Myke sa Miyerkules (Abril 30). 

Patuloy na maki-BEErit sa daily vitamin BEE ng Pinoy na The Singing Bee kasama sina Roderick Paulate at Amy Perez mula Lunes hanggang Biyernes, 11 a.m. sa ABS-CBN.

ABRIL AMY PEREZ DIEGO LOYZAGA EPHEY HERHER HOPIA LEGASPI JIMMY BONDOC JINKEE PACQUIAO JOHN MANALO KIM ANDAYA LUKE MEJARES SINGING BEE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with