^

PSN Showbiz

Kris nagiging unpopular sa pinaggagagawa

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Minsan nakararamdam ako ng awa kay Kris Aquino dahil parang ang dami-dami nang natutuwa sa hindi nila pagkakatuluyan ni Mayor Herbert Bautista. Bakit naman kaya marami ang nagagalit sa kanya? Paano siya magpu-pulitika kung ganun siya ka-unpopular? Kailangan sigurong simulan na niyang suriin ang kanyang sarili para malaman kung paano niya mapapaamo ang publiko sa kanya.

Regine hindi nanghihinayang na hindi nakita si Obama

Kung si Regine Velasquez ay walang panghihinayang na hindi makakadalo sa dinner para kay U.S. President Barack Obama, si Mother Lily naman ay excited na excited na makabilang sa iilang naimbitahan para makasama sa isang hapunan ang sikat na pangulo ng Amerika. Nagpagawa pa nga ito ng ispesyal na gown kay Paul Cabral na isusuot niya sa nasabing event.

Hindi naman tinanggihan ni Songbird  si Obama. Talaga lang may una na siyang natanguan na kakantahan nang maimbitahan sa event nito.

Karelasyon ni Toni mabagal

I’m sure napi-pressure na si Toni Gonzaga sa mga tanong kung kailan sila pakakasal ni Paul Soriano. Pero ano ang magagawa niya eh hindi sa kanya manggagaling ang proposal? Kung bakit naman kasi, ang bagal-bagal ng boyfriend niyang mag-propose. Ano pa kasi ang hinihintay nito? ‘Di ba niya alam na nalalagay na sa alanganin ang girlfriend niya? Nasa edad na naman silang dalawa.

Vilmanian idinawit sa galit si Coco

Dahil lang sa galit ng isang Vilmanian kay Nora Aunor kung kaya kung anu-ano ang ikinalat nitong mga balita na hindi naman pala totoo tungkol kay Coco Martin na mabuti na lamang at hindi pinatulan ng Supertar. Walang taga-showbiz ang maniniwala na hindi maginoo si Coco at hindi ito magsasalita na ikasisira ng artista ng Padre de Familia na isa siya sa mga prodyuser.

Hindi ba nag-iisip ang nasabing Vilmanian na para makasira lang ng hindi niya idolo ay nadadamay na ang iba para lamang magawa ang gusto niya. Pakisabihan nga siya, Ate Vi!

vuukle comment

ATE VI

COCO MARTIN

KUNG

MAYOR HERBERT BAUTISTA

MOTHER LILY

NIYA

NORA AUNOR

OBAMA

VILMANIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with