Kapapanganak lang noong isang buwan... Asawa ni Wowie de Guzman nangisay at tuluyang namatay pagkainom ng muscle pain reliever
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - April 28, 2014 - 12:00am

Vhong tikom ang bibig sa pagkakakulong nina Cedric Lee

PIK: Ayaw sagutin ni Tom Rodriguez ang kumalat na intrigang break na raw sila ng girlfriend niyang si K-la Rivera.

Hirap na hirap siyang sagutin kapag tungkol sa love life ang pinag-uusapan. Kaya paulit-ulit lang niyang sinasabing sa trabaho lang daw siya naka-focus at ayaw na raw niyang personal na isyu.

Paulit-ulit na tanong ito sa kanya sa presscon ng pelikula nila ni Carla Abellana na So it’s You, pero napapangiti lang ito kapag tinatanong siya kung single na ba siya ngayon.

 â€œI’m not with anyone right now,” sagot lang ng Kapuso actor.

PAK: Ayaw sagutin na ni Vhong Navarro ang tungkol sa pagkadakip kina Cedric Lee at Zimmer Ranz.

Sa halip na pagbigyan ang hinihingi naming interview, nag-ikot ito sa mga sinehan kasama si Solenn Heussaff para i-promote ang Da Possessed.

Nagpasalamat na lang daw siya sa mabilis na development ng kaso at lalong lumilinaw ang kaso.

Pagdala kina Cedric at Zimmer sa Maynila galing ng Samar, dinala agad ito sa NBI at mabilis na kumalat sa social media ang mug shots ng dalawa.

BOOM: Sumakabilang buhay ang asawa ni Wowie de Guzman na si Sheryl Ann Reyes   kamakalawa ng gabi.

Isang buwan pa lang nakapanganak ang asawa ni Wowie, naging erratic ang blood pressure niya kaya dadalhin na raw sana ito sa hospital.

Nag-take lang daw ito ng gamot para sa muscle pain, ilang sandali lang nanginig na raw ito at tumirik na raw ang mata.

Kaagad na dinala raw ni Wowie sa hospital ang asawa niya, at tatlong oras daw itong sinikap na i-revive pero nabigo sila.

Naka-text namin si Wowie kahapon, hindi pa raw niya kayang magsalita dahil sobrang mabigat daw sa kanyang dalhin ang nangyari sa kanyang asawa.

Isang buwan pa lang ang kanilang anak at naulila na ito sa ina, kaya sobrang sakit ito kay Wowie at sa pamilya ng asawa niya na tanggapin ang maagang pagkamatay ni Sheryl Ann.

Kasalukuyang nakaburol ang labi ng asawa ni Wowie sa kanilang tahanan sa Lubao, Pampanga.

AYAW CARLA ABELLANA CEDRIC LEE DA POSSESSED ISANG LANG RAW WOWIE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with