Daniel, Kim, Angel, at Luis, may pa-birthday blowout sa fans
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - April 27, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Four times the fun ang hatid ng ASAP 19 nga­yong Linggo (Abril 27)  sa sunud-sunod na enggrandeng birthday celebrations para kina Kim Chiu, Luis Manzano, Angel Locsin, at Daniel Padilla.

Asahan ang mas malaki, mas enggrande, at mas exciting na palabas sa ASAP stage kasama si Daniel Padilla na pangungunahan ang ASAP Fans Day kasama ang special guest na si Kathryn Bernardo para sa ilang PINASmile moments.

Ipapasilip naman ng Pinoy Big Brother All In hosts na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, John Prats, at Robi Domingo ang mga sorpresang dapat na abangan sa bagong edisyon ng reality show, kabilang na ang grand reveal ng dalawa sa bagong housemates ni ‘Kuya.’

 Makihataw sa King of the Gil kasama si Enrique Gil at ang Ateneo Lady Eagles, at ma­kiindak sa sexy dance treats mula kina Jessy Mendiola, Bangs Garcia, at Maja Salvador, kasama ang models na sina John Spainhour, Sam Adjani, Hideo Muraoka, Vince Ferraren, Fabio Ide, Laxi Villar, at Brent Javier.

Humanda para sa espesyal na Supahdance kasama sina Maja Salvador, Enrique Gil, Enchong Dee, Rayver Cruz, Nikki Gil, Iya Villania, Shaina Magdayao, Gerald Anderson, at Gab Valenciano, at teen stars na sina Nash Aguas, Alexa Ilacad, Sharlene San Pedro, Jairus Aquino, Andrea Brillantes, at Bugoy Cariño.

 Samantala, abangan ang isang bonggang musical extravaganza na ku­kumpleto sa inyong Linggo, mula sa concert spectacle nina Maestro Ryan Ca­yabyab at ABS-CBN Philharmonic Orchestra, ASAP Sessions kasama sina MCoy ng Orange and Lemons, Ai­za Seguerra, Tutti Caringal, Richard Poon, Paolo Valenciano, at Sam Milby, at ang de-kalibreng vocal performances mula kina ZsaZsa Padilla, Piolo Pascual, Lani Misalucha, Charice, Bamboo, Erik Santos, Yeng Constantino, Jed Madela, Angeline Quinto, Morissette Amon, at Klarisse De Guzman.

Abangan din ang special perfor­mance mula kay Mr. Pure Energy Gary Valenciano para markahan ang 20th anniversary ng The Filipino Channel.

 

ALEXA ILACAD ANDREA BRILLANTES ANGEL LOCSIN ANGELINE QUINTO ATENEO LADY EAGLES BANGS GARCIA DANIEL PADILLA ENRIQUE GIL MAJA SALVADOR
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with