Kaya muntik maghiwalay aktres pinagbintangan ng BF na nagkagusto sa direktor
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - April 25, 2014 - 12:00am

Muntik sumunod ang showbiz couple na ito sa couples na nag-break, mabuti at nakapag-usap ang dalawa, kaya hindi sila nasama sa statistics. Nakatulong din ang hindi pagsasalita ng aktor at ang tsika nga, nang magka-press visit sa show na kasama siya, hindi ito dumating at saka lang nag-report sa taping noong umalis na ang press.

Hinayaan nitong ang aktres ang mag-ingay sa pagpo-post ng pasaring sa mga taong diumano’y sumawsaw sa isyu nila ng BF. Mabuti rin at hindi sumagot ang mga taong pinasaringan nito na close sa aktor dahil kung nagkataon, another issue ‘yun.

Hindi pa alam ang exact cause nang muntik na paghihiwalay ng showbiz couple, pero totoo kaya ang narinig naming naging isyu sa kanila ang pagi­ging too close ng aktres sa director na nagdirek ng isa niyang show?

Naramdaman siguro ‘yun ng aktor, nag-react o nagselos na maaaring hindi nagustuhan ng aktres, nag-away at naghamunan ng break up. Ang tsika, naghiwalay ng ilang araw ang dalawa, pero nagka­balikan din. Kaya happy na uli ang aura ng showbiz couple.

Kristoffer pinaniniwalaan ang kabadingan

Nagandahan kay Kristoffer Martin ang mga na­kakita sa publicity photos ng Siga Noon, Beki Na Ngayon episode ng Magpakai­lan­man na mapapanood sa Sabado.  Ang ganda ng aktor sa ayos niyang babae at may mga nagpayo pa nga ritong maging bading na lang siya.

Kuwento ni Kristoffer, hindi siya nahirapan sa make-up, sa ipinasuot na pambabaeng damit at okay din sa kanya na magkilos at magsalita na parang babae. Humingi pa nga kami ng sampol kung paano siyang nag-deliver ng lines niya bilang si Christopher Aguinaldo.

Sa ipinasuot ni Direk Neal del Rosario na p-kp-k shorts nahirapan si Kristoffer dahil masikip kaya masakit. Pero wala raw siyang itinali gaya nang ginagawa ng ibang mga bading ‘pag nakapormang babae. Sobrang awkward daw ang feeling na naka-shorts short siya at naka-fit pink T-shirts.

Malaking tulong kay Kristoffer ang ibinigay ng GMA 7 na sumuporta sa kanya gaya nina Michael de Mesa at Shamaine Buencamino na gumanap na parents niya na parehong magaling na aktor. 

Si Mark Herras ang love interest ni Kristoffer Martin sa gay-themed episode ng Magpakailanman. 

Solenn libre ang pag-iikot sa high end resorts

Sina Solenn Heussaff at Mikael Daez pala ang hosts ng Isla ng GMA News TV at silang dalawa ang pupunta sa mga high-end resort at tourist spots na hindi masyadong pam-publiko para ma-feature sa show. Magugulat daw ang viewers dahil mara­ming magagandang resort at tourist spots na hindi pa alam.

Kaya lang, summer special lang ito ng GMA News TV, sa May ang airing at hanggang summer lang tatagal.

Galing na si Solenn sa Palawan, Bacolod at Batangas at parang bumalik siya sa Survivor Philippines sa mga ginagawa. May nabanggit itong crab hunting at worm tasting.

As usual, puring-puri ng staff si Solenn dahil walang kaarte-arte at kahit saan pumunta, walang reklamo. Kaya gusto siyang katrabaho ng marami.

Dating magsyota walang tigil ang asaran

Sa Instagram (IG) nag-uusap ang da­ting magsyota, nagpaparinigan sila by pos­ting quotations at kung anu-ano pang tiyak silang makakarating sa isa’t isa. Kahit in-unfollow nila ang isa’t isa, masipag ang kanilang fans i-tag sila, kaya ayun, kani-kanyang emote ang dalawa.

Hindi pa yata nagkikita ang mag-ex after mag-break at hindi na rin nakapag-usap. Ano kaya ang magiging eksena ‘pag nagkasalubong sila sa network kung saan sila pareho nakakontrata?

Magkasama rin sila sa isang show ng network, siguradong pati mga kasama nila excited sa magiging eksena. Pero mas excited kami sa pagkikita ng aktor at isa pang aktor na sinasabing rason ng break-up ng dating magsyota.

 

 

AKTOR BEKI NA NGAYON KAYA KRISTOFFER KRISTOFFER MARTIN SHY SOLENN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with