^

Ruffa ipinakilala na ang mga anak sa French guy na BF?!

SEEN SCENE (The Philippine Star) - April 20, 2014 - 12:00am

SEEN: Si Ruffa Gutierrez at ang French looking guy na kasama niya at ng kanyang mga anak sa kanilang pagbakasyon sa Paris.

SCENE: Ang mga duda na magkasama sa New York sina Paulo Avelino at KC Concepcion dahil sa kanilang mga tweet tungkol sa pagbisita nila sa Museum of Modern Art.

SEEN: Pagod na pagod ang itsura ni Lucy Torres sa vacation photos nila ni Richard Gomez sa London kasama ang kanyang mga magulang at kapatid. Kailangan ni Lucy ng beauty rest.

SCENE: Ang resulta ng Da Possessed ng Star Cinema sa box office ang magiging basehan ng suporta at simpatiya ng publiko kay Vhong Navarro.

SEEN: Pinagkukumpara sina Lorna Tolentino at Zsa Zsa Padilla na parehong biyuda. Anim na taon nang biyuda si Lorna pero hindi pa siya nakakahanap ng kapalit ni Rudy Fernandez. Magdadalawang-taon pa lang mula nang mamatay si Dolphy pero may bago nang inspirasyon si Zsa Zsa Padilla, ang architect na si Conrad Onglao. Magpinsan sina Zsa Zsa at Lorna.

SCENE: Ang report ng Box Office Mojo International sa mga pelikula na ipinalabas sa Philippine cinemas noong April 2 hanggang April 6. Kumpirmadong blockbuster ang Diary ng Panget na kumita ng mahigit sa P60 million sa unang linggo ng pagpapalabas sa mga sinehan.

 

BOX OFFICE MOJO INTERNATIONAL CONRAD ONGLAO DA POSSESSED LORNA LORNA TOLENTINO LUCY TORRES MUSEUM OF MODERN ART NEW YORK ZSA ZSA PADILLA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with