Jessy kabado kay John Lloyd
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2014 - 5:06pm

MANILA, Philippines – Kahit walang pahinga dahil sa sunod-sunod na proyekto, malaki ang pasasalamat ni ABS-CBN star Jessy Mendiola sa pag-usbong ng kanyang career.

Matapos ang kanyang teleseryeng “Maria Mercedes” ay may ginagawang pelikula ngayon si Jessy kasama ang isa sa mga Kapamilya top actor na si John Lloyd Cruz.

“I'm really flattered and surprised that sunud-sunod [ang project],” sabi ni Jessy. “Konting pahinga lang, trabaho ulit. So I'm really happy na tuluy-tuloy lang ang blessings and 'yong trust ng management ando'n pa rin for me. So I'm really happy.”

Aminado siya na kinakabahan siya sa unang pagsasama nila ni John Lloyd kung saan kabilang din ang mga batikang artistang si Richard Gomez at Gretchen Barreto.

“Kinakabahan talaga but excited at the same time,” sagot ni Jessy tungkol kay John Lloyd. “Kasi napakasuwerte ko kasi tinanggap ako ng Star Cinema para makatrabaho si John Llyod.”

Bukod sa mga magagaling na artistang kasama, masaya rin si Jessy sa istorya ng kanilang pelikula na aniya'y may kakaibang dating.

“Nakakatuwa kasi talaga pinaghahandaan nila ang story. We stopped shooting for almost  a month because they had to revise the whole script,” kuwento niya.

"It's very different from everything I've done before. I'm really happy na pinili nila ko. Mature ['yong role] in a sense na I'll be playing teacher ni John Lloyd.”

GRETCHEN BARRETO JESSY JESSY MENDIOLA JOHN LLOYD JOHN LLOYD CRUZ JOHN LLYOD MARIA MERCEDES RICHARD GOMEZ SO I
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with