Matapos patanggalan ng medical license: Bong at Hayden BFF na!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - April 13, 2014 - 12:00am

Parang mga Arab sheik sina Senator Bong Revilla at Hayden Kho, Jr. sa kanilang picture na kuha sa Egypt.

Kung hindi mo alam na mga Pilipino ang dalawa, iisipin mo na mga Arabo sila. Yes, BFF na sina Bong at Hayden dahil nakatulong ang dalawang linggo na pagsasama nila sa Holy Land.

Ngayon ang arrival ni Bong at ng kanyang pamilya mula sa Holy Land. Excited ako na makausap siya dahil sa kanyang mga kuwento tungkol sa pagbisita nila sa lugar na pinagsilangan kay Jesus Christ.

Siyempre, interesado ako na malaman ang mga bonding moment nila nina Hayden at Dra. Vicki Belo.

Hindi itinatago ni Mama Vicki ang tampo niya kay Bong dahil sa pagkakabawi ng PRC sa medical license ni Hayden nang masangkot ito sa isang eskandalo noong 2009.

Hindi marunong magtanim ng galit si Bong. Wala siyang maisip na reason para hindi niya batiin si Hayden sa kanilang Holy Land trip. I’m sure, best of friends na uli sina Bong at Mama Vicki pagkatapos ng kanilang trip to Jerusalem.

Maraming celebrity dumayo na naman sa laban ni Pacman

Ngayon na ang laban nina Congressman Manny Pacquiao at Timothy Bradley, Jr.sa MGM Grand Arena, Las Vegas.

Maraming mga Pinoy celebrity ang na-sight sa Las Vegas at kabilang si Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa mga nakita ng ating mga kababayan na susuportahan ang laban ni Papa Manny.

Panonoorin kaya ni Mama Vi ang laban ni Papa Manny o nagpunta lang siya sa Las Vegas para sa kanyang Holy Week vacation?

Mga na-traffic sa EDSA na-high blood

Iisa ang reklamo ng mga motorista at commuter kahapon, ang dusa na naranasan nila sa Edsa dahil tatlong oras ang biyahe mula sa Baclaran hanggang sa Mandaluyong area. Hindi pa kasama ang over acting na traffic mula Mandaluyong hanggang Kalookan City.

Marami ang na-high blood sa matinding parusa na natikman nila kahapon sa Edsa dahil sa mga road reblocking.

Ngayong umaga ang laban nina Pacquiao at Bradley. Ipinagdarasal ng mga motorista at commuter na maluwag ngayon ang traffic situation sa Edsa dahil mamamalagi ang karamihan sa kanilang mga tahanan para panoorin ang Pacquiao-Bradley fight.

In fairness sa MMDA, hindi sila nagkulang sa paalaala tungkol sa terrible traffic situation  sa Edsa ngayong Semana Santa dahil tatapusin ang lahat ng mga road reblocking na nagpapahirap sa ating lahat.

Vhong bumuwelta sa tomboy

Nabasa ko ang sagot ni Vhong Navarro sa rape na ibinibintang sa kanya ng stuntwoman na nakatrabaho niya noon sa isang teleserye ng ABS-CBN.

Mahaba ang sagot ni Vhong pero malinaw ang kanyang ipinupunto na hindi niya inabuso ang complainant.

Ang sabi ng babae, nangyari ang pang-aabuso ni Vhong sa kanya sa loob ng isang SUV noong 2009 at hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob na idemanda ang TV host/comedian dahil sa celebrity status nito at sa sobrang takot niya.

Ito ang sagot ni Vhong sa bintang ng complainant: “I was just an actor in 2009, as I am just an actor now. I have no political power. I do not have vast financial resources. I am a “celebrity”, but not a “superstar” that would command the influence or the resources that would have deterred Complainant from filing a complaint for rape 5 years ago. There is no reason for the complainant not to have complained earlier, if indeed a rape had occurred, or to falsely assert to my damage that she could not file any case because of my celebrity status.”

DAHIL EDSA HAYDEN HOLY LAND LAS VEGAS MAMA VICKI PAPA MANNY VHONG
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with