Ang kinang ni Krystal nasa Tunay na Buhay
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - April 2, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Alamin ang kuwento sa likod ng kinang ng Kapuso teen star na si Krystal Reyes ngayong Miyerkules ng umaga sa Tunay na Buhay ng GMA 7.

Kasagsagan ng kasikatan ni Jolina Magdangal nang ipinanganak ang teen star na si Krystal Reyes. Kaya nga ang tunay niyang pangalan – Jolina Marie Reyes.

Nagsimula noon bilang child star, naging bida si Krystal sa mga teleseryeng  Princess Charming at Mga Mata ni Anghelita at naging host din siya ng dating educational show na Art Angel.

Dahil maaga siyang sumabak sa showbiz, hindi raw na-enjoy ni Krystal ang kanyang kabataan. Ka­sama si Rhea Santos, ipasusubok ng Tunay na Buhay kay Krystal ang iba’t ibang larong pambata gaya ng tumbang preso at Chinese garter.

Abangan ang kuwento ni Krystal Reyes ngayong Miyerkules ng umaga, pagkatapos ng Kusina Master, sa GMA 7.

ART ANGEL BUHAY JOLINA MAGDANGAL JOLINA MARIE REYES KRYSTAL KRYSTAL REYES KUSINA MASTER MGA MATA MIYERKULES PRINCESS CHARMING RHEA SANTOS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with