Dingdong nagpapa-survey na kung ano ang papasuking posisyon sa pulitika
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - March 31, 2014 - 12:00am

PIK: Mamayang gabi na ang premiere night ng launching movie ni Shalala na Echoserang Frog, na gaganapin sa Fisher Mall sa Quezon City.

Ito raw ang kauna-unahang pelikulang magpi-premiere sa sosyal na cinema ng Fisher Mall kaya lalong nati-tense ang co-host ng Showbiz Police.

Nakadagdag pa sa tensiyon ni Shalala nang pinuri ng mga taga-Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang naturang pelikula.

Ang wish lang naman daw niya, hindi lang ang Echoserang Frog ang kumita sa takilya kundi ang katapat nitong Diary ng Panget: The Movie ng Viva Films.           

PAK: Magkasama sa isang flight sina Dr. Vicki Belo, Hayden Kho, Jr., Sen. Bong Revilla, Jr., at Cong. Lani Mercado kasama ang kanilang anak na umalis patungong Holy Land nung kamakalawa ng gabi.

Open na raw ang mag-asawang Bong at Lani sa posibilidad na makabati nila sina Hayden at Dr. Belo.

Sabi naman ng doktora, sana magkaroon daw muna ng pagkataong magkausap sina Sen. Bong at Hayden at hindi raw ’yung showbiz na pagbabati.

Ang pagkakaalam namin, magkasama pa sa isang kuwarto sina Hayden at Jolo Revilla. Kaya mukhang magkakaayos na talaga sila.

BOOM: Hindi isinasara ni Dingdong Dantes na pasukin din niya ang pulitika sa 2016 elections.

Base sa mga sagot niya, pinag-aaralan na niya ang posibilidad na tatakbo siya sa darating na eleksiyon. Kung anong posisyon, hindi pa niya masasabi.

Saad ng Kapuso aktor: “Lahat naman siguro dumarating for a reason, kagaya lang ’yan sa mga milestone na nangyayari sa buhay natin. Kahit sabihin natin halimbawa sa pagkakaroon ng anak o pagbili ng isang bagay, lahat ’yan it happens for a reason.

“Lahat ’yan pinag-iisipan mo, pinag-aaralan mo. It also has to do with Divine Providence, depending din talaga sa kung ano ang itinakda ng panahon.”

Ang dinig namin, nagpapa-survey na si Dingdong kung anong posisyon siya posibleng tatakbo. Malamang national post ito dahil mukhang pinaghahandaan na niya.

 

BONG REVILLA DINGDONG DANTES DIVINE PROVIDENCE DR. BELO DR. VICKI BELO ECHOSERANG FROG FISHER MALL HAYDEN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with