^

PSN Showbiz

Solenn walang paki kahit third choice lang

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Sintunado ang pagkanta ni Angeline Quinto at ng dalawang female singer na kasama niya sa Reaching Out production number nila ni Gary Valenciano sa ASAP kahapon.

Hindi na-reach out ni Angeline at ng kanyang mga kasama ang mataas na tono ng hit song ni Gary V.

SCENE: Mali ang sinabi ni Vhong Navarro sa presscon ng Da Possessed na pagsubok ng Diyos ang pambubugbog sa kanya ng grupo ni Cedric Lee noong Jan. 22.

Hindi mangyayari ang insidente kung naging faithful si Vhong sa kanyang girlfriend.

SEEN: Si Solenn Heussaff ang leading lady ni Vhong Navarro sa Da Possessed. Hindi isyu kay Solenn kung third choice siya bilang kapareha ni Vhong sa comedy movie ng Star Cinema.

SCENE: Engaged na si Saab Magalona sa kanyang boyfriend na si Jim Bacarro.

Nangyari ang proposal ni Jim kay Saab noong Sabado habang nagbabakas­yon sila sa Japan.

SEEN: Dumalo si Marian Rivera sa 18th birthday party ni Kathryn Bernardo noong Sabado sa Blue Leaf Filipinas, Aseana City, Parañaque City.

Si Kathryn ang gumanap na young Marian sa Endless Love, ang primetime teleserye ng GMA 7 noong 2010.

SCENE: Ngayon ang premiere night ng Echoserang Frog sa Cinema 5 ng Fisher Mall sa Quezon City. Ang Echoserang Frog ang launching movie ni Shalala.

SEEN: Bukas, April 1, ang red carpet premiere ng Diary ng Panget ng Viva Films.

Dalawa ang premiere night ng Diary ng Panget sa Trinoma Cinema, 6 p.m. at Megamall Cinema, 8 p.m.

SCENE: Hindi nakakatawa ang pagnanakaw ng eksena ni Joy Viado sa presscon kahapon ng Da Possessed. Parang possessed si Joy dahil walang sense ang kanyang mga hirit at pinagsasasabi.

ANG ECHOSERANG FROG

ANGELINE QUINTO

ASEANA CITY

BLUE LEAF

CEDRIC LEE

DA POSSESSED

ECHOSERANG FROG

ENDLESS LOVE

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with