^

Rosanna ’di pa kayang patawarin ni Onyok

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 11, 2014 - 12:00am

Marami ang na-shock sa mga rebelasyon ni Dennis “Onyok” Adriano sa Startalk noong Linggo tungkol sa kanyang nanay na si Rosanna Roces. Ikinagimbal ng televiewers ang sinabi ni Onyok na tinanggihan nila ng kapatid na si Grace ang alok ng kanyang ina na i-try na mag-drugs para matikman din ng mga bagets ang nararamdaman niya.

Ayon kay Onyok, hindi na fit na maging magulang ang kanyang ina dahil sa ugali nito. Nabubuhay pa rin daw sa nakaraan ang nanay niya.

Sa totoo lang, marami pang ikinuwento si Onyok sa Startalk na hindi inilabas dahil hindi na akma sa telebisyon. Nag-self-regulate ang aming show or else…

Naging honest si Onyok nang sabihin nito na hindi pa niya mapapatawad ang kanyang madir dahil sa mga ginawa nito laban sa kanya. Ito ’yung isinulat ko noong nakaraang linggo na muntik nang mawalan si Onyok ng trabaho dahil gumawa ng malaking eskandalo sa kanilang opisina ang nanay niya.

Nag-promise si Onyok na first and last time niya na magsasalita tungkol sa kanyang ina.

Tinangka ng Startalk na kunin ang panig ng nanay ni Onyok pero nag-pass ang kanyang ma­nager na si Boy Palma dahil family matter ang isyu.

Kung sakaling maisip ng nanay ni Onyok na sagutin ang paratang ng kanyang bunsong anak, welcome siya na magpainterbyu sa Startalk, ang talk show na pinanggalingan niya.

Mahal nagmatigas na hindi nakikipagrelasyon sa bakla

Hindi ko kinaya ang apela ni Mahal na huwag nang intrigahin ng mga tao ang love affair nila ng kanyang boyfriend na si Aries Navarro. Hurt na hurt na si Mahal dahil hinuhusgahan daw ng madlang-bayan ang pagkatao ng dyowa-dyowaan niya.

Diyosang-diyosa ang dating ni Mahal nang sabihin nito na mahal na mahal siya ng kanyang boyfriend na hindi na niya pinayagan na umapir sa TV para mahinto na ang mga pang-iintriga.

Nagmatigas si Mahal na tunay na lalaki ang kanyang dyowa. Hindi raw siya nakikipagrelasyon sa bading. Paano niya ipapaliwanag ang relasyon nila noon ni Jimboy Salazar na nag-ala BB Gandanghari noon?

Anne hands-on na sa paandar sa Araneta concert

Busy na si Anne Curtis para sa kanyang concert sa May 16 sa Smart Araneta Coliseum, ang The Forbidden Concert: AnneKapal.

Hands-on si Anne sa mga detalye ng kanyang paandar concert na follow up sa Annebisyosa, ang kanyang super successful debut concert sa Big Dome noong 2013.

Natupad ni Anne sa Annebisyosa ang pangarap niya na maging concert artist at tinalbugan pa niya ang mga ibang singer dahil jampacked ang Araneta Coliseum.

Mas handang-handa na ngayon si Anne sa AnneKapal at pinaghahandaan ko na rin ang mga manghihingi sa akin ng complimentary tickets! Hindi na papasa sa akin ang mga litanya na paborito nila si Anne kaya hindi puwedeng palampasin ang kanyang second major concert. Kung talagang favorite nila si Anne, mag-iipon sila ng datung para makabili ng tickets. Hindi ’yung nanghihingi sila ng complimentary tickets.

Affordable ang presyo ng AnneKapal tickets sa Ticketnet (Pat­ron A-Php 5,500, Patron B-Php 4,500, Patron C-Php 4,500, Upper Box A- Php 3,000 at Upper Box B- Php 1,000) kaya utang na loob, mag-save na kayo ng pambili ’no?!

Ang AnneKapal ay isa sa limang malalaking projects na nakalinya para sa Viva Artist Agency (VAA) superstar. Siyempre, nangunguna ang Dyesebel, bagong album at dalawang pelikula na bongga. Isama na natin ang santambak na endorsements ni Anne na nag-uumapaw ang happiness.

“I’ll be everywhere again this year,” ang sey ni Anne na binigyan ng title na Princess of All Media dahil isa siya sa mga top celebrity endorser ng bansa. Mapapanood sa March 17 ang Dyese­bel, naglalagare si Anne sa It’s Showtime at sa shooting ng The Gifted.

Ngayong summer ang pagbabalik ni Anne sa music scene dahil sinimulan na niya ang recording ng kanyang se­cond album. Walang reklamo na maririnig mula kay Anne dahil gustung-gusto nito ang mga ginagawa. Blessed na blessed ang kanyang pakiramdam.

ANNE DAHIL KANYANG KAPAL NIYA ONYOK
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with