_ngayon
^

Marian mas excited pa sa graduation ni Dingdong

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - March 9, 2014 - 12:00am

Natanong namin si Marian Rivera sa “One Left” post ni Heart Evangelista sa Instagram nang bumisita kami sa taping ng Carmela pero hindi ito nag-react para hindi na lumaki pa ang isyu.

Hayaan na lang daw si Heart at nagpasa­lamat sa kanyang fans na dumepensa sa kanya. Tama rin naman si Marian na ’pag nag-react siya, hindi si Heart kundi siya na naman ang lalabas na masama kahit wala siyang ginawa at walang sinimulang isyu, kaya tahimik na lang siya.

Sa halip na kanegahan ang isipin, tutok sa trabaho si Marian at excited sa mga mangyayari sa Carmela.

Happy si Marian sa magandang feedback sa Carmela at pinasasalamatan nito si Direk Dominic Zapata, ang writers ng soap sa pangunguna ng headwriter na si Suzette Doctolero at ang magagaling na kasama.

Samantala, sa mga bumili ng FHM, may autograph-signing si Marian sa Resorts World, 3 p.m., sa March 22 at kaya roon ang autograph-signing dahil doon daw gagawin ang Eat Bulaga.

Kinabukasan, sa March 23, sasamahan ni Ma­rian ang boyfriend na si Dingdong Dantes sa graduation nito sa West Negros University sa Bacolod City sa kursong techno management. Sobrang proud si Marian sa graduation ng BF kaya nagpaalam sa GMA 7 na absent muna siya sa taping ng Carmela. Balik-taping din naman siya sa March 24.

Richard napagod na sa kakapunta sa korte

Masaya si Richard Gutierrez sa pagbabati nina Atty. Annette Gozon-Abrogar at girlfriend niyang si Sarah Lahbati. Pinag-usapan nila ni Sarah na sa pagpasok ng 2014, they will start the year with a clean slate at tapusin na ang problema na nangyari nga.

Wala raw tatalo sa pagpapatawad, walang kaaway, at payapang buhay. Saka, nakakapagod na rin ang mag­pabalik-balik sa korte at dumalo sa mga hearing. Para ngang si Richard ang nademanda sa inamin nitong happy and relieved siya na nagawang magpatawad nina Atty. Annette at Sa­rah sa isa’t isa. “At least, ’tapos na ’yun, masaya ako,” sabi nito.

Ibinalita ni Richard na gagawa ng project sa GMA 7 at TV5 si Sarah, siya ay wala pang TV plan dahil magko-con­centrate muna sa reality show ng pamilya nilang It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Inamin ni Richard na hesitant siya noong una na gawin ang reality show dahil open book na naman daw ang buhay ng pamilya nila. Pero na-realize niyang ’pag napanood ng tao ang buhay nila, mas mamahalin ang pamilya nila at chance na ring makita ang other side nila.

Sa tanong kung ipapakita na ng show ang sinasabing anak nila ni Sarah, ang sagot ni Richard, “Ito na ang kasagutan sa mga tanong. Hindi ito edited at scripted at kung ano ang pagdadaanan ng family namin ay malalaman.”

Rita hiwalay na sa asawang direktor?

Alam siguro ng kaibigan ni Rita Avila na may hula sa aktres na maghihiwalay sila ng asawang si director Erik Reyes kaya nang makita ang aktres na hindi suot ang wedding ring, ang tanong agad ay kung totoong hiwalay na silang mag-asawa?

Ang nangyari pala, nakalimutan lang isuot ni Rita ang wedding ring dahil the day before ay galing siya sa taping ng Innamorata at hindi niya isinusuot sa taping ang wedding ring at baka nga naman mawala.

Kinabukasan, after her taping, umalis siya at na­kalimutang isuot ang wedding ring at doon siya nakita ng kaibigan niyang babae. Ang unang tanong daw talaga nito kay Rita ay kung totoong hiwalay na sila ni Direk Erik. Hehehe!

ANNETTE GOZON-ABROGAR BACOLOD CITY CARMELA DINGDONG DANTES DIREK DOMINIC ZAPATA DIREK ERIK EAT BULAGA ERIK REYES SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with