Ate Vi nagsalita na sa pagpapakasal nina Luis at Angel!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 1, 2014 - 12:00am

Suportado ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang relasyon nina Luis Manzano at Angel Locsin. Masaya raw ang actress-politician dahil sa pagbabalikan ng anak at ni Angel kamakailan.

“I know her and now that they’re back together, maligaya sila sa isa’t isa, mas maligaya kami para sa kanila,” nakangiting pahayag ni Gov. Vi.

Botong-boto raw kay Angel si Ate Vi para kay Luis dahil sa ginagawang pagkalinga at pagmamahal ng dalaga sa bulag na ama.

“Isa siguro sa na-appreciate ko kay Angel, na nakikita naman ng mga tao, is matulungin. If there’s anything na puwede niyang i-share, puwede maiabot, maitulong, she’s always there. And that’s a good sign kung paano niya aalagaan, paano niya i-respeto, bigyang prayoridad ’yung tatay niya na may diperensiya. Importante ’yun,” paliwanag ni Ate Vi.

Napababalita ring nagbabalak na raw magpakasal sina Luis at Angel ngayong nagkabalikan na ang dalawa.

Nakahanda na kaya si Ate Vi kung sakaling pakasalan na ni Luis ang nakabalikang GF at paano niya ire-rate ngayon ang dalaga mula sa scale ng 1 to 10?

“’Pag ready na sila? Basta ang alam ko lang masaya sila ngayon, nine. ’Pag kasal na sila ten,” nakangiting sagot ni Gov. Vi.

Iza taga-payo ni Karylle sa pakikipagbati kay Vice

Masayang-masaya raw si Iza Calzado sa pagkakaayos ng gusot sa pagitan ng kanyang kaibigan na si Karylle at Vice Ganda. Maganda raw ang nangyari sa dalawa lalo ngayong nalalapit na ang pagpapakasal nina Karylle at kasinta­hang si Yael Yuzon.

“Siyempre bilang kaibigan ni Karylle masaya kami na wala na siyang ina­alala na mayroong hindi okay na relationship sa buhay niya, na mahalagang tao rin sa kanya. So, tuwang-tuwa ako no’ng nakita ko kasi nakita ko lang siya sa abs-cbnnews.com sa Facebook,” pahayag ni Iza.

Pinayuhan pa raw ng aktres si Ka­rylle na maging matatag noong nagkaroon ito ng problema kay Vice.

“Alam ko rin sa umpisa pa lang, no’ng sinasabi sa akin ’yan ni Ka­rylle, sabi ko, ‘K, it’s like in every relationship nagkakatampuhan lang kayo. It’s just a miscommunication na medyo malaki.’

“So, talagang sinasa­bihan ko siya padalhan mo ng sulat. So I’m just happy it’s settled,” kuwento ng aktres.

Ngayon ay si Iza muna ang nagko-co-host sa It’s Showtime habang wala si Vice Ganda. Nasa Amerika ngayon ang komed­yante para sa ilan niyang shows doon.      Reports from JAMES C. CANTOS

                       

ANGEL LOCSIN ATE VI IZA IZA CALZADO KARYLLE LUIS LUIS MANZANO VICE GANDA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with