MVP nakipag-chat sa followers
SEEN SCENE - Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2014 - 12:00am

SEEN: Nag-29th birthday party si Anne Curtis sa 71 Gramercy sa Makati City.

Kahapon, Feb. 17, ang actual birthday ni Anne.

SCENE: “Boyfriend ko” ang pakilala ni Angel Locsin kay Luis Manzano nang dumalo sila sa birthday party ni Anne.

SEEN: Hindi nagkaroon ng big party si Sen. Jinggoy Estrada sa kanyang 51st birthday kahapon.

SCENE: Itinanggi ni Sen. Jinggoy Estrada ang balita na nagkaroon siya noon ng transaksiyon kay Mat Ranillo III. Dating close friend ni Janet Lim-Napoles si Mat.

SEEN: May cover pictorial ang mag-inang Jenny Syquia at Cloie Concepcion sa isang lifestyle magazine. Mas mukhang nanay ni Jenny ang kanyang anak.

SCENE: Nakipag-chat kagabi sa kanyang Twitter followers si TV5 Chairman Manny V. Pangi­linan.

SEEN: Si Jackie Rice ang napipisil na ipalit kay Charee Pineda sa role nito sa Sitio Camcam. Disappointed kay Charee ang producer ng pelikula dahil nag-back out siya pagkatapos ng presscon at ng meeting niya sa direktor na si Joel Lamangan.

SEEN: Personal na binati ni Manila City Mayor Joseph Estrada ng happy birthday kahapon ang anak na si Senator Jinggoy Estrada. Pinuntahan ni Erap si Jinggoy sa  opisina nito sa senado.

SCENE: Mananatiling Kapuso si Dennis Trillo dahil nag-renew siya kahapon ng exclusive contract sa GMA 7.

ANGEL LOCSIN ANNE CURTIS CHAIRMAN MANNY V CHAREE PINEDA CLOIE CONCEPCION DENNIS TRILLO JANET LIM-NAPOLES JENNY SYQUIA JINGGOY ESTRADA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with