‘Bawal sa akin ang tanga sa acting’ — Direk Joel
SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2014 - 12:00am

Tinanong ko kung ano ang pananaw ni Direk Joel Lamangan tungkol sa isang artista na hindi marunong umarte sa kabila ng pagbibigay ng ac­ting instruction at motivation.

‘‘Bawal sa akin ang tanga sa acting. Kung hindi niya talaga makuha ang itinuturo kong tamang pag-arte, sasabihan ko ang talent na huwag nang mag-artista, mag-singer na lang siya o sumakay sa barko para mag-Navy,’’ sagot ni Direk sa presscon ng Sitio Camcam.

Si Direk Joel ang director ng Sitio Camcam na tumatalakay sa kumplikadong pamilya particular na ang kanilang mga anak na apektado ng kaguluhan. Magsisimula nang mag-shooting ang grupo ng Sitio Camcam sa depressed area ng Navotas at Malabon. Nagbabakasakali rin na isali ang bagong obra ni Joel sa mga international film festival sa abroad.

Naiibang role naman ang gagampanan ni Allen Dizon sa pelikulang ito dahil tatlo ang asawa nito na kinabibilangan nina Jean Garcia, Sunshine Dizon, at Charee Pineda.

Payag kaya siyang magkaroon ng tatlong asawa sa totoong buhay?

‘‘Naku, magulo iyan! Kung sino ang pinakasalan ko ‘yun ang kakasamahin ko habambuhay, aalagaan at mamahalin,’’ sagot ni Allen.

ALLEN DIZON BAWAL CHAREE PINEDA DIREK DIREK JOEL LAMANGAN JEAN GARCIA SI DIREK JOEL SITIO CAMCAM SUNSHINE DIZON
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with