LT kinontra ang testigo laban kay Jinggoy
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - February 11, 2014 - 12:00am

PIK: Kahapon lang pumirma ng exclusive contract si Maxx Collins sa GMA 7. All-out ang suporta  ng Kapuso network sa career ni Maxx bilang binigyan na ito ng magandang break sa Innamorata na magsisimula na sa Lunes, Feb­ruary 17.

Kaya malaki ang pasasalamat niya sa GMA 7 na nagbigay sa kanya ng magandang pagkakataong maging bida.

PAK: Si Aljur Abrenica ang escort ni Louise delos Reyes sa press preview ng Basement na ginanap sa Podium cinema kamakalawa ng gabi. Nandun din si Enzo Pineda na kasama rin sa pelikula, pero hinayaan niyang ang bagong ka-loveteam ni Louise ang makasama nito.

May special participation si Aljur sa naturang pelikula kaya nandun siya, at simula na rin ng promo ng bagong tandem nila ni Louise sa Kambal Sirena.

Excited si Louise sa bagong ka-love team dahil dito raw niya lalong makilala si Aljur bilang artista.

Ganundin ang nararamdaman ni Aljur, pero may konting kaba raw dahil bago na naman itong mapapanood ng mga fans nila.

Dumalo rin doon ang Mommy ni Sarah Lahbati bilang suporta rin sa naturang pelikula. Pero wala si Sarah kahit dumating na ito ng bansa kasama si Richard Gutierrez.

 Umiwas sa mga interviews ang Mommy ni Sarah. Pero nakikita na namin ang nalalapit na pag-aayos nila sa GMA 7.

BOOM: Hindi itinatanggi ni Lorna Tolentino ang sinabi ni Sen. Jinggoy Estrada na siya ang nagpakilala kay Jenny Napoles.

Totoo naman daw iyun sabi ni Lorna dahil nakilala rin daw niya si Jenny nung ibinurol si Kuya Rudy Fernandez sa Heritage Memorial Park.

Doon din kasi nakalibing ang mga magulang ni Jenny at kapitbahay daw ito nang pinaglibingan kay Kuya Rudy.

Kaya roon daw niya naipakilala kay Sen. Jinggoy.

Pati nga sa first death anniversary ni Kuya Rudy ay nag-sponsor din daw si Jenny ng pagkain at maaring nagkita uli sila roon ni Sen. Jinggoy. Kaya  ano naman daw ang isyu kung doon sila nagka­kilala.

Kaya nabanggit ni Sen. Jinggoy si Lorna, para pabulaanan ang sinabi ng bagong testigo sa pork barrel scam na si Ruby Tuazon na siya raw ang nagpakilala kay Jenny Napoles.

                                                      

ALJUR ENZO PINEDA HERITAGE MEMORIAL PARK JENNY NAPOLES JINGGOY JINGGOY ESTRADA KAYA KUYA RUDY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with