^

PSN Showbiz

Sen. Chiz tinantanan na ang paninigarilyo

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN : Ipinagmamalaki ni Senator Chiz Escudero na isang buwan na mula nang huminto siya sa paninigarilyo.

Magkasama sina Senator Chiz at Heart Evangelista sa birthday party ni Alfie Lorenzo sa Imperial Palace Suites noong Miyerkules.

SCENE : Ang suggestion ni TV Patrol anchor Noli de Castro na dapat na imbestigahan din ang background ng mga tumulong kay Cedric Lee sa pambubugbog kay Vhong Navarro noong January 22.

SEEN : Negative ang mga feedback sa pagsasalita ni Patricia Javier tungkol sa nakaraan nila ni Cedric  Lee at ang paghingi niya ng paumanhin dahil sa kanyang pagpatol sa lalaking may-asawa.

SCENE : Sinukatan na si AiAi delas Alas ng buntot na gagamitin niya sa Dyesebel. Nanay-nanayan ni Dyesebel ang role ni AiAi sa bagong primetime telefantasya ng ABS-CBN.

SEEN: Bagay na bagay kay Jericho Rosales ang role sa pelikulang ABNKKBSNPLAKO (Aba Nakakabasa na Pala Ako) ng Viva Films dahil nabigyan niya ng justice ang karakter na ginampanan niya. Showing sa mga sinehan sa February 19 ang ABNKKBSNPLAKO na base sa sikat na libro ni Bob Ong.

Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikula.

SCENE: Ang When I Fall In Love ang Valentine offering sa February 11 ng Studio5 ng TV5. Ang When I Fall In Love ang movie made for TV ng loveteam nina Nora Aunor at Tirso Cruz III.

SEEN : Sofia ang pangalan na ibinigay nina Ayen at Franco Laurel sa kanilang second child na isinilang noong Miyerkules.

SCENE : Ang  Thursday presscon sa New York City nina Congressman Manny Pacquiao at Timothy Bradley. Ipino-promote nina Pacquiao at Bradley ang kanilang laban sa boksing sa April 12. Nag-guest din si Pacquiao sa Olbermann Tonight, ang late night show sa ESPN2 ng sports commentator na si Keith Theodore Olbermann.

 

ABA NAKAKABASA

ALFIE LORENZO

ANG WHEN I FALL IN LOVE

BOB ONG

CEDRIC LEE

CINEMA EVALUATION BOARD

CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

DYESEBEL

FRANCO LAUREL

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with