Kahit binaboy Big Bird ni Vhong hindi totoong naoperahan!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 31, 2014 - 12:00am

Muntik na akong ma-late sa deadline kahapon dahil sa aking fully-booked schedule. Maaga akong umalis ng bahay dahil sa interbyu ko kay Atty. Toto Villareal, Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairman, na mapapanood sa Startalk sa darating na Linggo.

Interesting ang interbyuhan namin ni Papa Toto dahil marami akong nalaman tungkol sa kanya. Certified Vilmanian pala si Papa Toto kaya si Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang special guest sa kanyang birthday celebration noong Linggo. Ang Sister Stella L. at Ekstra ang mga pelikula ni Mama Vi na paborito ni Papa Toto.

Maraming ipinaliwanag sa akin si Papa Toto tungkol sa mga obligasyon ng MTRCB sa publiko.

Si Papa Toto ang chairman ng MTRCB hanggang 2016 dahil reappointed uli siya ni President Noynoy Aquino. May karapatan si Papa Toto na ma-reappoint dahil maganda ang pamamalakad niya sa MTRCB.

Nagkita kami ni Butch Raquel sa opisina ni Papa Toto sa MTRCB. Nakita ko na nagbayad si Papa Butch ng P500 para sa kanyang MTRCB deputy card.

Nang lumabas ako mula sa opisina ni Papa Toto, ang trusted yaya ni Sheryl Cruz ang nakita ko sa lobby ng MTRCB. Hinihintay daw niya si Sheryl dahil kinukuha nito ang MTRCB card.

Na-insecure ako sa narinig ko. Ang feeling ko, unwanted ako dahil wala pa akong balita tungkol sa application ko sa bagong MTRCB deputy card. Ang sabi ni Papa Toto, may committee na nagdedesisyon o nagbibigay ng approval sa mga dapat bigyan ng MTRCB deputy card.

Affected much ako dahil hindi ko pa natatanggap ang aking MTRCB deputy card. Nag-wonder talaga ako. Hindi kaya naaprubahan ng committee ng MTRCB ang application ko?

Dala-dala ko ang disappointment hanggang sa pagdalaw ko kahapon kay Vhong Navarro sa ospital.

Medyo maayos na ang kondisyon ni Vhong pero maitim pa rin ang paligid ng kanyang mga mata dahil sa pambubugbog ni Cedric Lee at ng mga kasamahan nito.

Tawa lang nang tawa si Vhong nang kumustahin ko si Big Bird ng Sesame Street. Hindi naman totoo ang mga tsismis na inoperahan din si Big Bird ni Vhong dahil badly beaten din siya.

Natuwa ako dahil natatawa si Vhong sa mga kagagahan na sinasabi ko. Kahit papaano, nalimutan niya nang pansamantala ang kanyang horrible experience.

GF ng six years hindi nagbago ang pagmamahal kahit naghanap ng ibang pechay ang TV host-comedian

Na-meet ko sa hospital room ni Vhong Navarro ang kanyang girlfriend na may first name na Tanya. Six years na pala ang kanilang relas­yon at napakasuwerte ni Vhong dahil asikasung-asikaso at mahal na mahal siya ng kanyang dyowa.

Pinangaralan ko si Vhong tungkol sa mga mhin na naghahanap pa ng ibang pechay, hitsurang may mga karelasyon na sila. Naligaw lang ng landas si Vhong pero ramdam na ramdam ko naman na mahal na mahal niya si Tanya.

Hindi ako masyadong nagtagal sa kuwarto ni Vhong para makapagpahinga siya. Hirap pa si Vhong sa pagsasalita dahil sa operasyon sa kanyang ilong.

Dinalhan ko siya ng biscuits dahil masagwa naman kung white wine ang ibinigay ko sa kanya. Ospital at hindi naman condo ang pinuntahan ko ’no?!

Mga sikat na celebrity na dumadalaw kay Vhong, naaamoy ng mga ibang pasyente

Dinalaw ko rin sa ospital si Pinky Ramos-Fernando, ang mabait na owner ng Fernando’s Bakeshop na kaibigan ng maraming artista.

Maayos na rin ang kalagayan ni Pinky na naka-confine rin sa ospital na kinaroroonan ni Vhong Navarro. Bilib ako kay Pinky dahil malayo ang kuwarto niya mula sa kuwarto ni Vhong pero alam niya ang mga sikat na artista na dumadalaw sa TV host-comedian. Get well soon Pinky!

 

AKO BIG BIRD DAHIL MTRCB PAPA PAPA TOTO TOTO VHONG VHONG NAVARRO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with