^

PSN Showbiz

Martin sa rehearsal magbi-birthday

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang ganda ng kuwento ni Martin Nievera sa mga nangyari sa kanya noong maghiwalay sila ni Pops Fernandez.

Naranasan daw niya na mawalan ng trabaho sa loob ng isang taon, never na nag-ring ang kanyang phone, walang nag-offer ng mga concert kaya namalagi na lang siya sa Las Vegas.

Parang nagrebelde noon si Martin dahil nagpaku­lay ito ng buhok at naging masaya siya sa paglilinis ng mga sasakyan, isang bagay na gustong-gusto niya na ginagawa

In short, nakaapekto kay Martin ang paghihiwalay nila ni Pops at dahil sa mga naranasan niya, malinaw na ang kanyang ex-wife ang kinampihan ng publiko.

Hindi naman nagtagal ang pagpapahinga ni Martin dahil nakabalik siya sa entertainment industry. Iba talaga kapag likas na may talent ang mga singer na kagaya ni Martin dahil nakakabawi agad sila.

Nakakuwentuhan ko si Martin kahapon sa presscon ng Voices of Love, ang Valentine’s Day concert nila ni Regine Velasquez sa Mall of Asia Arena.

Siyempre, kasali si Vhong Navarro sa mga napagkuwentuhan namin ni Martin na nagulat sa nangyari sa TV host/comedian.

Balak ni Martin na dalawin si Vhong kaya tinanong niya sa akin ang pangalan ng ospital. Baka na­tuloy ang pagbisita  niya kahapon, pagkatapos ng solo presscon niya para sa  Voices of Love.

Pati ang concert producer na si Ana Puno, tanong nang tanong sa akin tungkol kay Vhong na naging national issue na ang karanasan.

Sinabi ko kay Ana na mas marami ang naniniwala sa version ni Vhong dahil swak na swak ito sa resulta ng  imbestigasyon ng NBI.

Birthday ni Martin sa February 5 pero hindi siya magkakaroon ng birthday party. Malamang na nasa rehearsal siya ng Voices of Love sa kanyang kaarawan.

Pumayag lang si Martin na magkaroon ng big birthday celebration noong 50th birthday nila ng kanyang twin sister na si Vicky. Gusto ni Martin na maging memorable ang 50th birthday ni Vicky kaya nagkaroon sila ng bonggang birthday party.

Fifty-two years old na si Martin sa February 5 pero wala sa itsura niya na 50-plus na ang kanyang edad.

Mas bata sa personal ang itsura ni Martin na pumayat na naman dahil sa kanyang juice diet. Nakakainggit si Martin dahil ang bilis-bilis niya na magpapayat sa tuwing  tumataba siya.

Kagagaling lang ni Martin sa Dubai dahil sa ASAP show. 

Walang special guest sina Martin at Regine sa kanilang concert. Hindi naman kailangan ng dalawa ng special guest dahil kayang-kaya nila na itawid ang isang Valentine show.

Mga bago at lumang kanta ang repertoire nila. Alam ko na magiging blockbuster ang Voices of Love dahil marami na ang nanghihingi sa akin ng complimentary tickets.

Walang ipinagkaiba ang mga concert sa mga pelikula. Kapag marami ang humihingi ng passes para sa isang pelikula, pruweba ito na marami ang gustong manood. Hindi ako nangako na makakapagbigay dahil mahirap makahagilap ng libreng tickets kapag sure blockbuster ang show.

Ewan ko nga ba kung bakit ako ang paboritong hingan ng complimentary tickets eh hindi naman ako ang producer?

 

ANA PUNO

DAHIL

LAS VEGAS

MALL OF ASIA ARENA

MARTIN

NIYA

VHONG

VOICES OF LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with