Vilma nahahabol na ang mga award sa abroad ni Nora
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2014 - 12:00am

Mga limang dekada na ring namamayagpag sa kanilang pag-aartista ang ngayon ay gobernadora ng Batangas na si Vilma Santos at ang hanggang sa ngayon ay itinuturing pa ring Superstar na si Nora Aunor. At hindi lamang ang patuloy na paggawa nila ng pelikula ang nagsisilbing dahilan para sa walang humpay nilang kumpitensiya kundi ang patuloy na pagkilala sa kanila hindi lamang ng bansang Pilipinas sa kanilang kagalingan sa pag-arte kundi ang maraming bansa sa buong mundo na kung saan ay inilalabas at inilalahok ang kanilang movies for excellence in acting and craftsmanship.

Kung tinitingala man ang mga indie film ng Superstar sa mga international filmfest, nagsisimula na rin ang Star for All Seasons na humabol sa kanya.

Nauna nang kinilala ang pagiging mahusay na artista ni Vilma sa unang indie niyang Ekstra ng Ga­wad Tanglaw. Tatanggapin niya ang pagkilala sa Marso 12. Best actress din ang gobernadora sa katatapos na Dhaka International Film Festival sa Bangladesh.

Inaasahan ng mga tagahanga ng aktres na magiging simula lamang ang dalawang awards ni Vilma ng pagtanggap niya ng parangal nga­yong nagsisi­mula na ang awards season para sa Ekstra.

April Boy hindi na puwedeng kumanta

Nalungkot naman ako nang mapanood ko si April Boy Regino sa Rated K. Feel na feel ko ang labis na kalungkutan niya na hindi na siya maaari pang mag-concert o kumanta man lamang dahil sa kanyang heart condition. Hindi siya maaaring mapagod at kung hindi n’yo pa batid, nakakapagod kumanta.

Gumaling nga siya sa prostate cancer na maaari pa rin naman siyang kumanta pero ang kanyang heart condition will not allow him to do so. Ang nakalulungkot, ang pagkanta niya ang pinaka-mahalaga sa kanya. ’Yun ang nagpapasaya ng buhay niya.

Ang nagbibigay saya na lamang sa kanya ay mayron siyang mga awitin na magpapaalala sa kanya sa lahat.

“Katawan ko lamang ang magpapahinga pero ang mga awitin ko ay maririnig n’yo pa rin,” sabi niya bilang pamamaalam.

Coco at Sarah kasado na

Bukod pala kay Nora Aunor na makakasama ni Coco Martin sa isang indie movie, may plano na pagtambalin sila ni Sarah Geronimo sa isang pelikula. Maganda kung matutuloy ito. May ilang panahon na ring hindi gumagawa ng pelikula ang maga­ling na aktor. Nami-miss na siya sa big screen. At si Sarah naman ay parang nalimita na ang pakikipag-tambalan sa pelikula kay John Lloyd Cruz.

’Yun nga lang magiging malaking pressure ito para kay Coco dahil hindi siya sigurado kung magi­ging bagay din sila ng Pop Princess. With Sarah for his partner, hindi rin uubra ang pagiging magaling niya sa drama, kailangang mapantayan niya ang husay ni Sarah sa comedy.

Sharon at Goma tine-test kung may chemistry Pa

Kanino kayang tandem ang mas tatangkilikin ng publiko, ’yung kina Ri­chard Gomez at Dawn Zulueta ba o ’yung magaganap sa pagitan nila nila ni Sharon Cuneta? Nag-guest Goma sa sitcom sa TV5 ni Mega.

Narinig din namin na nagbabalak ang Viva Films na pagsamahin sila sa isang movie at ito ngang pagsasama nila sa TV ay parang isang eksperimento para malaman kung meron pa nga silang chemistry at following.

 

ALL SEASONS APRIL BOY APRIL BOY REGINO COCO MARTIN DAWN ZULUETA NIYA NORA AUNOR
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with