Angel walang makitang iba, mahal na mahal pa si Luis
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Wow inamin ni Angel Locsin na mahal pa niya ang ex boyfriend na si Luis Manzano at umaasa siyang magkakabalikan sila. “Oo mahal, mahal naman. Ang love hindi naman nawala pero hindi naman ibig sabihin noon eh magiging kayo ulit o magkakabalikan na kayo. Kasi kailangang pag-usapan muna,” sabi niya sa ABS-CBN.com. “Alam ko pong marami ang magre-react dito sa sinabi ko, pero pasensiya na po,” sabi pa ng aktres sa interview. “Sana kasi wala naman akong ibang makita pero depende ‘yan sa amin kung magiging ok kami together,” sabi pa niya sa tanong kung anong tsansa ng reconciliation.

Nakapag-usap na raw sila ng mga bagay na hindi nila napag-usapan noon. “Masaya ako na okay na kami,” dagdag na sabi ng aktres.

Pero hindi raw ito ang rason kung bakit sila nag-split ni Phil Younghusband. Wala raw lokohang nangyari.

Matagal na hindi nag-usap ang dating magkarelasyon at hindi pa natatagalan nang maging ok sila.

Hindi kaya lalong umatungal nito si Jennylyn Mercado na tuloy ang pag-e-emote  sa hiwalayan nila ni Luis?

Sex video ni Anne na kumalat sa internet, peke!

Maraming naloko sa lumabas na sex video raw ni Anne Curtis at ex boyfriend kahapon. Mara­ming nag-share nang nag-share particularly sa Facebook. Kasi kung gusto mong i-view nakalagay doon na kailangan mo munang i-share. Maraming nagka-interes i-view so na-share nang na-share. Pero isang malaking hoax pala ang video nang i-check ng new media group ng Viva. Wala raw lamang sex video at sa title lang talaga.

Excited na si Anne na sumisid sa Dyesebel na wala pang sinasabi kung kailan mag-uumpisang mapanood.

By the way, sinabi nga pala ni John Lloyd Cruz sa isang interview na ibaon na lang sa limot ang naging isyu ng pananampal ni Anne sa kanya. Wala na raw ‘yun. In fact, may nag-confirm na magsasama ang dalawa sa isang project. Pero ayaw muna niyang sabihin kung anong project ito. Basta definite na raw ito.

Alden mas pinili na mag-celebrate ng birthday kasama ang mga bata

Mas pinili ng ‘crush ng bayan’ at isa sa Kapuso Network’s top leading men Alden Richards na gunitain ang kanyang birthday malayo sa showbiz. Hindi rin naisipang magpa-party. Ilang araw makalipas ang kanyang ika-22 na kaarawan, hinandugan ni Alden ng isang munting kasiyahan ang mga bata ng Holy Trinity Home for Children.

Hindi man siya nakasuot ng superhero costume noong araw na iyon, baon naman niya ay ang kanyang pagmamahal para mapasaya ang mga bata.

“Last year, nangako ako sa kanila na bibisitahin ko uli ang Holy Trinity Home for Children. Kaya ngayon tinutupad ko ang pangakong iyon para muling makasama ang mga bata, maghandog ng munting kasiyahan sa kanila at para maiparamdam na andito lang ang kanilang Kuya Alden,” kuwento niya.

Nagpapasalamat si Alden sa mga biyayang kanyang tinatanggap. Kaya naman excited ang aktor na ibahagi ang kanyang blessings sa mga bata. “Ang daming biyaya na ang ipinagkakaloob sa akin ni Lord. Kaya naman ngayong taon ay gusto kong maging mas makabuluhan ang selebrasyon ng aking birthday.  Masarap sa pakiramdam na makapaghatid ng mga ngiti sa mga bata kahit sa simpleng paraan gaya nito,” dagdag niya.

Samantala, magbabalik primetime ang Kapuso actor kasama ang GMA Primetime Queen Marian Rivera para sa inaabangang programa ng 2014 ang Carmela simula January 27.

Star Magic magpapa-audition

Gusto mo bang maging Star Magic Kapamilya? Sumubok na. Tinatawagan ang mga batang lalaking may edad 14-19 years old na mag-audition ngayon, Enero 16,1-5 p.m., sa ABS-CBN Studio 11 DTC Building.

Magtungo lamang sa Audience Entrance along Eugenio Lopez Drive sa Quezon City. 

Magdala ng resume at 3R-sized photos (one full body at one close up). Maaari ring magpadala ng photos kasama ang pangalan, edad, address, at contact numbers sa Recruitment.StarMagic@gmail.com.             

ALDEN RICHARDS ANGEL LOCSIN ANNE CURTIS HOLY TRINITY HOME PERO WALA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with