Ate Vi walang pakialam sa mga naging babae ni Luis
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 10, 2014 - 12:00am

Hindi raw pinakikialaman ni Gov. Vilma Santos-Recto ang anak na si Luis Manzano pagdating sa pag-ibig o pakikipagrelasyon nito. Maging ang panliligaw ni Luis noon kay Toni Gonzaga at mga dating kasintahan na sina Angel Locsin at Jennylyn Mercado ay hindi raw pinanghimasukan ni Ate Vi. Wala raw sa posisyon ang aktres para pumili ng kanyang gustong babae para sa anak.

“Hindi po ako nagdedesisyon. Hindi ako ang makikisama. Alam iyan ng anak ko. I’ve expe­rienced it before so kung sino ang mahal ako at alam kong liligaya siya, kahit kay Toni, kay Jen or kay Angel, kahit sino, okay lang sa akin,” paliwanag ni Ate Vi.

Ang mahalaga lamang para sa actress-politician ay ang habangbuhay na makakasundo ni Luis ang babae na kanyang pakakasalan pagdating ng takdang panahon.

“Ang importante ay kung okay sila sa anak ko, kung mahal nila si Lucky,” giit ni Ate Vi.

Matapos na magkahiwalay nina Luis at Jennylyn noong isang taon ay muling nauugnay ang aktor kay Angel na dati rin niyang kasintahan. Matatandaang ilang buwan pa lamang ding hiwalay sina Angel at Phil Younghusband.  

John napatawad na si Jason

Mag-iisang taon na sa Marso ang nangyaring gulo sa pagitan nina John Prats at Jason Francisco. Nagkasuntukan ang dalawa habang nasa rehearsals ng kanilang taping para sa Banana Split noon. Nagkaharap din sina John at Jason sa presinto pagkatapos ng nasabing insidente. Matagal-tagal nang hindi nagkikita at nagkakausap para magkaayos ang da­lawa. Matatandaang humingi na rin ng paumanhin si Jason sa telebisyon pagkatapos nang nangyari sa kanila.

Ngayon ay napatawad na raw ni John ang komedyante.

“Matagal ko nang napatawad, 2013 pa lang nagpatawad na ako. Kumbaga, wala na sa akin ’yon. Okay na sa akin ’yon. Diyos na ang bahala sa kanya,” bungad ni John. Masaya rin daw ang aktor nang pakasalan ni Jason si Melai Cantiveros noong Dis­yembre. “Oo naman, masaya ako sa mga ganoong pangyayari. Wala akong hang-ups sa ganoon. Kumbaga, magandang blessing ‘yon for the both of them. Sana magtuluy-tuloy ’yung kaligayahan na mayroon sa kanila,” giit ni John.

Sa pamamagitan ng text message ay nagbigay naman ng reaksiyon si Jason sa naging pahayag ni John.

“Okay naman po. Mabuti po kung gano’n. Ang kaso hindi pa kami nagkikita nang personal. Matagal na naman akong handa… Wish ko lang sa amin ni Kuya John sana ma-accept namin sa isa’t isa ‘yung pagkakamali namin,” reaksiyon ni Jason.     

Reports from JAMES C. CANTOS

 

ANGEL LOCSIN ATE VI BANANA SPLIT JASON JASON FRANCISCO JOHN LUIS MATAGAL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with