_ngayon
^

PSN Showbiz

Bagong taon, bagong pag-asa at mga pangarap

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuwing papasok ang Bagong Tao’y naghahanda na ang mga tao ng listahan ng mga gusto nilang itapong bagay at ugali at magsimula ng bagong buhay.

Tutok lang sa Gandang Ricky Reyes, Toto Na ‘Toh (GRR TNT) na Ita­­tampok si RJ Sombrero na kasalukuyang nakatira sa bahay tuluyang CHILDHAUS habang ginagamot ang cancer sa buto o osteosarcoma. Kahit kinailangang putulin ang kanyang kaliwang paa ay buo pa rin ang paniniwala ng 17 anyos na binata na isang araw ay gagaling siya at lalabas sa CH na handa sa pagharap sa mundo ng mga normal, malakas at maligaya.

Mula sa Hawaii, USA ay sumulat si Katrina kay Mader Ricky (via online) at nag-request na isang make over para sa kanya at kanyang ina. Gusto ng da­laga na Gandang Ricky Reyes ang dating nila sa pagdalo sa kauna-unahang junior-senior prom na gaganapin sa Marso. Isang beauty holiday ang iginawad ni Mader nang umuwi sila sa bansa nung December. Binigyan sila ng bagong hair style, make-up, hydro massage, at skin treatment.

Lahat nang ito at marami pang ibang panooring nakakaaliw habang nag­bi­bigay ng latest sa fashion, health, beauty at wellness na GRR TNT na umeere sa  Gma News TV alas-nuwebe ng umaga tuwing Sabado na production ng ScriptoVision.

                                 

BAGONG TAO BINIGYAN GANDANG RICKY REYES GMA NEWS ISANG KAHIT MADER RICKY TOTO NA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with