Annabelle Rama gustong kausapin nang namatay na kapatid!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 5, 2014 - 12:00am

May New Year’s message si Annabelle Rama para sa kanyang followers at fans. Ang sabi ni Bisaya, na-miss niya ang lahat ng kanyang fans. Happy and sad New Year ang greetings ni Bisaya dahil namatay noong Dec. 31 ang kanyang kapatid na US-based. Nakikiramay kami sa mga naulila ng kapatid ni Annabelle:

“I just want to share my happy ang sad moments noong 2013. Thank God, lahat ng kamalasan na dumaan sa buhay ko at sa family ko, naanod na sa ibang mundo before end of 2013. Nilalakad ko lahat ang dapat kong lakarin.

“Unti-unting nawala negative things lalong-lalo na sa buhay ng pamilya ko. Sa awa ng Diyos, lahat ng nakasulat sa aking diary na dapat kong gawin before Dec. 31, nagawa ko. Sa listahan kong 1 to 6 na the most crucials sa buhay ko, nagawa ko lahat in positive way. It’s a miracle.

“I’m so thankful to the Lord who guided me to be able to talk to the right persons na walang gulo at tanggapin na lahat ang nangyayari sa buhay in a positive way. Ako na ang pinakamasayang nanay at lola sa balat ng lupa.

“Isa sa pinakamagandang regalo natanggap ko sa buong 61 yrs, nagkaayos na lahat. My prayers granted. OMG!!!!! I’m so excited and i just can’t hide it. I know everybody wants to know kung ano tinutukoy ko...

“Dec. 31 before matapos ang year 2013, we had a celebration. Steak dinner at the CRU Restaurant Marriott Hotel with Eddie and Ritchie Paul. At about 10:45 pm, I got a call from my brother William who lives in Las Vegas. Shocking news, my brother Tony who lives in Houston, Texas, a cancer survivor for 5 yrs, passed away. Binawi rin sa kanya buhay niya bago matapos... ang taön 2013, 10:45 pm eksaktong 5yrs. I cried. Can’t eat. I just keep on crying the whole night, di ko na napansin ang fireworks. Ganyan talaga ang buhay. . Success, laughter, ang kasunod sadness... sana period na. Wala ng kasunod. End 2013, babu...

“Today Jan. 4, 2014 at about 5:45am, my phone rang, I woke up and saw the name Tony Rama calling. I answered. Tinawag ko name niya... Nakalimutan kong patay na pala siya. I called up the wife after asking baka siya ang tumawag sa akin at gamit niya ang phone ni Tony.... Nakausap ko si William, hindi raw dahil busy sila para sa viewing tonight at ang cellphone ng late brother ko nasa bahay. Siguro may message siya sa akin.

“ I checked my phone, last call natanggap ko 5:45 a.m from Tony Rama. Siguro gusto niyang ibenta ko mga properties niya sa Cebu. ‘Yun ang message I got from him last month. On my way now to Cebu reunion with the Rama clan.

“Prayers for Tony, may his soul may rest in peace. Welcome 2014. Hope and pray that this year will be a better year for all of us. Abangan na lang ang susunod na kabanata, It Takes Gutz to be a Gutierrez reality show. I am practicing my English now... 2014 more blessings, good health new life. more power, lots of revelations na dapat lang abangan sa reality TV show namin. Thanks.”

Heart cell phone at body bag ang natanggap kay Chiz

Nag-deny kahapon sa Startalk si Heart Evangelista. Singsing na luma raw ang suot niya, hindi engagement ring na ipinagpipilitan ng mga tsismosa.

Sa madaling-salita, walang kasalan na mangyayari kina Heart at Sen. Chiz Escudero ngayong 2014.

Para matigil na ang mga alingasngas, inamin ni Heart na hindi pa sila nagkakaayos ng kanyang pamilya. Nagkaroon ng lamat ang magandang relasyon ni Heart at ng kanyang mga magulang mula nang maging boyfriend niya si Papa Chiz.

Hindi kumpleto ang Startalk kung hindi itatanong kay Heart ang Christmas gift niya kay Papa Chiz at ang regalo nito sa kanya. Bodybag at cell phone ang natanggap ni Heart mula sa kanyang dyowa at sapatos naman ang Christmas gift niya kay Papa Chiz.

Gov. Vilma hindi nakalimot sa sumang Batangas

Happy New Year kay Batangas Governor Vilma Santos-Recto na nagpadala sa amin ng suman noong nakaraang Sabado.

Gusto kong iparating kay Mama Vi na natanggap namin nina Ricky Lo at Butch Francisco ang napakasarap at dinarayo na suman ng Batangas. Hindi nakakalimot si Mama Vi na magpadala ng suman dahil alam niya na isa iyon sa mga paborito ko. Thank you Mama Vi!

ANNABELLE RAMA BATANGAS BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO BISAYA BUTCH FRANCISCO MAMA VI NIYA PAPA CHIZ TONY RAMA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with