Sexy starlet ni-reject ng nilanding basket bolista kapuso aktor aaming bading?!
PIK: Ang Kapuso comedian na Jan Manual ang pinagbibintangang bading na malapit na raw mag-out.
Naging biru-biruan pala ito sa set ng Prinsesa ng Buhay Ko dahil bading ang role ni Jan doon.
May lumabas kasing litrato ni Jan na nakaakbay si Aljur Abrenica sa kanya at may caption pang “bromanceâ€.
Ang kasunod noon, nag-break si Jan at ang non-showbiz girlfriend niya kaya lalo itong naintrigang bading.
Natawa si Jan sa isyung iyon kaya parang na-conscious na raw ito sa pagbabading niya sa PrinÂsesa ng Buhay Ko at ilang segment niya sa Startalk.
PAK: Nakakatawa ang kuwento sa amin ng isang kaibigang nakakuwentuhan ng kaibigan niyang basketbolista ng isang kilalang unibersidad.
Nasa isang bar somewhere sa Mandaluyong City daw itong grupo ng mga basketbolista nitong kilalang unibersidad nang dumating itong sexy starlet na may karelasyong bagets.
Nang nakita ang mga naggaguwapuhang basketbolista, nakipaglandian na siya sa mga ito. May isa siyang nataypan at gusto nitong iuwi sa condo unit niya.
Tinanggihan ito ng basketbolistang bagets at sinabi sa kanya na napanood siya sa TV tungkol sa dyowa nitong bagets.
Sabi ni sexy starlet, wala raw sa condo unit niya ang dyowa niyang bagets kaya okay lang daw na mag-uwi siya ng lalaki.
Pero tahasang tinanggihan siya ng guwapitong basketbolista dahil matanda na raw si sexy starlet kaya ayaw nang patulan.
BOOM: Malaki ang pasasalamat ni Atty. Francis Tolentino sa napaka-successful na resulta ng 39th Metro Manila Film Festival (MMFF).
Kahit maraming mga sinehan sa Kabisayaan ang hindi pa nagbubukas, nabawi naman ang kita sa ibang mga sinehan lalo na sa Mega Manila.
Sabi ni Atty. Tolentino, chairman ng Metropolitan Manila Development Authority at MMFF, tumaas daw ng 30 percent ang kinita ng MMFF ngayong taon kumpara sa nakaraang taon.
Nangunguna pa rin ang My Little Bossings at sinundan ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy.
Medyo pumik-ap daw sa takilya ang 10,000 Hours at ang Pedro Calungsod: Batang Martir.
Tuluyan nang nangungulelat ang Kaleidoscope World at malabo na itong tumaas-taas dahil nawalan na ito ng sinehan at tuluyan na itong hindi mapanood. Sayang naman!
- Latest