_ngayon
^

GRR ipapakita ang iba’t ibang gupit sa 2013

(Pilipino Star Ngayon) - December 28, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Bilang year-ender o pagsasara ng 2013 ay pinili ni Mader Ricky Reyes ang mga magagandang episode ng Gandang  Ricky Reyes, Todo Na Toh (GRR TNT) para ipalabas ngayong Sabado alas-nuwebe ng umaga sa GMA News TV.

Itatanghal ang mga iba-ibang estilo ng damit at accessories sa mundo ng fashion.  Ipakikita rin ang iba-ibang gupit at ayos ng buhok na kinahiligan ng mga lalaki’t babaeng Pinoy.

Siyempre, meron ding mga pampaganda, pampabata at pampalusog  na sistemang teknikal.  At ang mga ino-offer sa Gandang  Ricky Reyes Salon na Magic Eyelash at pelukang gawa sa tunay na buhok ng tao.

Mapapanood din ang mga sikat na celebrities na nag-guest sa GRR TNT tulad ng GMA Primetime Queen na si Marian Ri­ve­ra, ang mag-inang Maria Isabel at Mara Lopez, ang tinangkilik ng televiewers na tandem na TomDen nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo.  Pati na mga finalist ng Ms. Earth Philippines at ang nagwaging 2013 Miss Earth.

Nagpapasalamat ang ScriptoVision, producer ng programa, sa patuloy ninyong pagtangkilik kasabay ang pangakong magbigay ng mga makabuluhang isyu tungkol sa kagandahan, kalusugan, at kaunlaran.

DENNIS TRILLO GANDANG MADER RICKY REYES MAGIC EYELASH MARA LOPEZ MARIA ISABEL MARIAN RI MISS EARTH
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with