Kris problemado kung sino ang karapat-dapat na lalaki
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - December 23, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Habang si Cess (Kris Bernal) ay nag-iisa sa resort, magiging masaya naman siya kahit paano dahil kay Luis (Renz Fernandez).  Mahahalata rin ni Luis ang ginagawa nina Waldo (Marco Alcaraz) at Violet (Lian Paz) para sa kanya at pagsasabihan din siya. Kaya mapapaisip si Luis. Habang si Nick (Aljur Abrenica) naman ay hindi pa rin susuko, tatawag siya ulit kay Cess at sa wakas makakausap na niya ang minamahal!

Kaya lang ay hindi pa rin sigurado si Cess at napapansin na siya ni Luis. Kaya mag-uusap-usap din sina Cess, Waldo, at Alicia (Susan Africa). Ipapaalala ulit ni Waldo kay Cess na maling lalaki ang minamahal niya pero mas pakikinggan ng bida ang puso niya. Dahil doon, maiisipan nilang bumalik na sa Manila. 

Abangan ang mga kaganapan sa Prinsesa ng Buhay Ko sa GMA 7.

 

ALJUR ABRENICA BUHAY KO HABANG KAYA KRIS BERNAL LIAN PAZ LUIS MARCO ALCARAZ RENZ FERNANDEZ SUSAN AFRICA WALDO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with