Marian isasabong sa pagpasok ng taon
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - December 17, 2013 - 12:00am

Ang bagong tele­serye na pagbibidahan ni Marian Rivera na pinamagatang Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Ibabaw ng Mundo ang magiging pambungad na bagong programa ng Kapuso Network sa pagpasok ng taong 2014. Bukod sa bagong teleserye, magkakaroon din si Marian ng isang weekly sitcom. Malamang na may bago rin siyang pelikulang gagawin dahil kamakailan lamang ay nag-meeting sila ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde.

Since nakagawa na si Marian ng pelikula outside Regal and GMA Films, hindi imposible na muli siyang gumawa ng pelikula sa bakuran ng Star Cine­ma na siyang nag-release ng kanilang Kung Fu Divas ni AiAi delas Alas kung saan nag-venture si Marian bilang isa sa mga producer ng pelikula.

Sa early pre-Christmas get-together ni Marian with a select entertainment press, inamin niya na nabawi raw niya ang kanyang investment sa Kung Fu Divas at klinaro na hindi ito nalugi.

Pero hindi raw muna siya muling papasok sa pagpo-produce at gusto muna niyang mag-focus bilang aktres at celebrity endorser. Kung na­ging maganda umano ang taong 2013 sa kanya, umaasa siya na mas magiging maganda ang takbo ng 2014 hindi para lamang sa kanya kundi sa buong Pilipinas lalo na `yong mga biktima ng iba’t ibang kalamidad na ang pinahuli ay ang bagyong Yolanda.

Very active rin si Marian sa kanilang bagong itinatag na charity project, ang Kapuso: Adopt-a-Bangka na magbibigay ng mga kabuhayan sa mga mangingisda sa Northern Cebu.

Pinay feng shui expert magkakaroon na ng sariling convention

Kung nagkaroon ng matagumpay na feng shui convention last Dec. 7 na ginanap sa F1 Manila Hotel sa Bonifacio Global City, Taguig City hosted by Asia’s King of Talk na si Boy Abunda, ang internationally-acclaimed feng shui expert na si Marites Allen ay magkakaroon ng kasunod na feng shui convention sa iba’t ibang bansa simula sa Tokyo, Japan on Jan. 11 and 12 na gaganapin sa Tochigi Grand Hotel; sa London, UK on Feb. 8 na gaganapin naman sa Conway Hall ng 5 Red Lion Square, London; at sa Paris, France on Feb. 13 na gaganapin naman sa Lan­tadeli 43-45 rue Chapon 75003.

Si Marites ay isang successful Pinay businesswoman and feng shui expert na nakapag-asawa ng isang British      executive ng ADB na si Nick Allen.

Sa kabila ng pagiging matagumpay ni Marites sa kanyang negosyo at pagiging feng shui expert which brought her to international fame, nanatili itong grounded sa tulong na rin ng kanyang British husband na napaka-supportive sa kanya. Nick adopted her three children from her past marriage at meron naman silang isang anak na sarili pero pantay-pantay ang pagtingin ng kanyang asawa sa kanyang apat na anak na lahat ay sa London nag-aaral. 

It was only last Nov. 7 nang matanggap ni Marites Allen ang kanyang British citizenship. She was conferred as the Master of Feng Shui title ng International Feng Shui Association last Nov. 16 na ginanap sa Singapore. Siya bale ang kauna-unahang Filipinas na nabigyan ng ganitong pagkilala na iginawad sa kanyang ng feng shui grandmaster na si Vincent Koh, great grandmaster na si Yap Cheng Hai, at grandmaster na si Tan Khoon Yong.

ANG PINAKAMAGANDANG BABAE BONIFACIO GLOBAL CITY BOY ABUNDA CONWAY HALL FEB FENG KUNG FU DIVAS MARITES ALLEN SHUI
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with