Luis nakitaan na ni Ate Vi ng interes sa pulitika
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nag-celebrate ng 21st wedding anniversary kahapon, December 11, ang mag-asawang Sen. Ralph Recto and Gov. Vilma Santos but sadly nataon ito sa ika-40 days ng death ni Mrs. Carmen Recto, ang mother ni Sen. Recto kaya walang malaking seleb­rasyon ang mag-asawa. Nagkaroon lang daw ng mass sa Greenmeadows Church.

Anyway, kahit inuudyukan siya ng marami na kumandidato sa national position, sinabi ni Ate Vi na hindi nila napag-uusapan ng hubby niyang senador. “In all honestly wala talaga. Hindi namin ‘yan pinag-uusapan,” sagot ng gobernadora na malaki ang nagawa sa Batangas.

Besides ang talagang gusto raw niya ay ang magdirek ng pelikula.

Eh si Luis? May plano na kayang mag-pulitiko? Lalo na nga’t matatapos na ang term ni Ate Vi as governor?

“Hindi ko alam itong 2016, pero someday I think baka nandoon din siya. Siguro someday. Kasi nagda-dive siya sa Mabini (Batangas),   every other week or minsan every weekend, concerned siya sa marine life, eh, sabi niya, ‘Mom, ha, lumalabo na ‘yung tubig doon, ha? Mom, asikasuhin mo ‘yung ganito. Mom, kumuha ka ng chambers sa mga divers. ‘Yung may concern na ganu’n.’

“So kung paplanuhin niya ‘yan, okay lang. Walang masama. Pero kamukha ko, dapat maghanda siya. Hindi basta-basta,” sabi niya tungkol sa binatang anak na hindi pinakikialaman ang lovelife.

Agot magaling na may sayad

Ang galing ni Agot Isidro sa indie film na Mga Anino ng Kahapon na kasali sa 2013 New Wave Full Feature Films ng 39th Metro Manila Film Festival.

Babaeng may mental disorder ang role ni Agot sa pelikula ni Direk Alvin Yapan.

Bukod kay Agot, ang galing-galing din ni TJ Trinidad bilang asawang pinagtiyagaan ang asawang may sakit na schizophrenia.

Graded A ng Cinema Evaluation Board ang Mga Anino ng Kahapon.

Pacman may utang din daw na P800 million sa IRS

Kawawang Manny Pacquiao. Hinahabol din daw pala ito ng United States Internal Reve­nue Service (IRS) para sa $18.3 million na utang din sa tax. Sa peso, aabot ang $18.3 M sa P800 million para sa 2006 hanggang 2010 ayon sa balita ng TMZ sports.

Ayon sa kumalat na report, hindi raw ito nagbayad ng tax sa tatlong malalaki niyang laban – Oscar dela Hoya, Ricky Hatton and Miguel Cotto.

Nauna na siyang binomba ng BIR dahil may utang daw siyang P2.2 B sa tax.

May gag order sa kasalukuyan si Pacman at ang BIR pero hindi natin alam kung magsasalita siya tungkol sa report ng TMZ.

                                                                                                               

 

AGOT AGOT ISIDRO ATE VI BATANGAS CINEMA EVALUATION BOARD DIREK ALVIN YAPAN GRADED A MGA ANINO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with