Ate Vi nagsalita na sa relasyong Luis at KC
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - December 10, 2013 - 12:00am

Ang bet naming kumanta ng What Kind of Fool Am I sa junior division ng Voices, Songs, & Rhythms ang nanalo, ayon ito kay Marian Rivera na isa sa judge. Sa judges pa lang, star-studded na at talagang malaking okasyon ang gabing ‘yun.

Natanong pala si Gov. Vilma Santos sa isyu kina Luis Manzano at KC Concepcion dahil may ilang tao na gusto silang maging couple dahil bagay daw at nili-link sila.

“Wala akong masabi, basta binata ang anak ko. Kung sino ang gusto niya doon ako,” sagot ni Gov. Vi.

Nabanggit din nitong gusto niyang magdirek ng movie na ang bida ay magandang-maganda sa umpisa, pero papangit nang papangit habang patapos ang movie. Wish nitong hindi ma-preempt ang naisip niyang story.

Kris tutuloy sa Tacloban

Matutuloy na ang pagpunta ni Kris Aquino sa Tacloban sa December 13 at tinawag niyang Christmas Outreach sa tulong ng ABS-CBN. Wala pang balita kung sinong celebrity ang sasama kay Kris, pero noong pumunta siya sa Samar at Iloilo, sina Angel Locsin at Boy Abunda ang nakasama.

Samantala, nagsimula na this week ang guesting nina Vic Sotto, Bimby, Ryzza Mae Dizon, at ibang cast ng My Little Bossings. Sa Cebu, kung saan may mall tour ang cast ng Metro Manila Film Festival o MMFF movie na-interview ni Kris si Vic kasama pa si Jose Manalo.

This Sunday, nasa SM Nova ang cast ng movie at may guesting din sa ASAP. Sumama rin kaya si Vic sa mall tour at mag-guest kaya sina ni Ryzza Mae sa ASAP?

Tom naiyak nang makita ang pamilya sa concert

After more than two years, nakita rin ni Tom Rodriguez ang family niya na based sa Arizona dahil nanood sila sa MHL concert sa Centinela Valley Center for The Arts sa Lawndale, California. Umiyak si Tom nang umakyat sa stage ang pamilya habang siya’y kumakanta. Nakunan ni Carla Abellana ang pagkikita-kita ng Mott family at sabi ng aktres, pati sila’y naiyak.

Nangyari rin sa MHL concert ang hinihintay ng TomDen fans na pagkikita ng parents ni Tom at ni Dennis na kung tawagin nila’y Meet the Parents 2. Hinihintay nila ang kuwento ni Popoy Caritativo sa pagkikitang ito.

Kasamang babalik si Tom ng grupo ng MHL today from the States dahil may mga commitment pa siya. Gaya ng concert ng MyPhone sa December 14, sa Araneta Coliseum para sa biktima ni Yolanda. Sa Dec. 18, lilipad uli siya for the States at sa piling ng pamilya magpa-Pasko at Bagong Taon

Jake itsapuwera na naman kay Bea

May bagong soap si Bea Binene sa GMA 7, pero hindi ang BF na si Jake Vargas ang kapareha kundi si Kristoffer Martin. Ipinaalam daw kay German Moreno na manager ni Jake na hindi muna ito ang itatambal kay Bea dahil may mga eksenang kaila­ngang nakahubad ang lead actor at naintindihan ni kuya Germs ‘yun.

May tentative title na Isla ang soap to be directed by Bb. Joyce Bernal at ipapalit sa Prinsesa ng Buhay Ko. Ito ‘yung binanggit ni Direk Joyce na next project niya sa Ch. 7 after Genesis nang makausap namin sa presscon ng Kimmy Dora: ang Kiyemeng Prequel.

Kasama sa cast si Joyce Ching na ex-GF ni Kristoffer at nagpahayag na okey sa kanya na makasama uli sa soap dahil parehong trabaho ang hanap nila. Okey din sa kanya kung kontrabida role ang ibibigay, pero sana raw hindi.                     

 

ANGEL LOCSIN ARANETA COLISEUM BAGONG TAON BEA BEA BINENE BOY ABUNDA BUHAY KO CARLA ABELLANA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with