Vilma gustung-gustong magdirek ng pelikula, payag na sa indie mag-umpisa
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - December 10, 2013 - 12:00am

Pinapangarap daw ni Gov. Vilma Santos-Recto na muling ma­kagawa ng isang pelikula pero hindi bilang artista ngunit bilang direktor. Hinahanap-hanap na raw ng actress-politician ang paggawa ng magagandang pelikula.

“Talagang gusto ko magdirek ng pelikula. Looking forward ako doon. Given the chance sa darating na eleksiyon at hindi ako tatakbo, I will make sure that I will do one movie as a director. ’Yon ang dream ko,” nakangiting bungad ni Ate Vi. “Nami-miss ko talaga. It’s just hindi lang po puwede talaga na mag-full time. Ang nangyayari na lang, kapag mayroong magandang script na talagang gusto kong gawin and then at the same time libre naman ako sa Batangas at maayos lahat, then magagawa ko. Pero kapag hindi, hindi siguro, mahirap.” 

Isang independent film daw ang gustong gawin ni Gov. Vi kagaya ng pelikulang Ekstra na kanyang pinagbidahan kamakailan.

“Gusto ko ’yung raw, bago, and ’yung creation ng utak ko para alam ko kung anong gagawin. Puwedeng mag-umpisa sa indie,” giit ng actress-        politician.

Huling termino na ngayon bilang gobernadora sa lalawigan ng Batangas ni Governor Vi at wala pa raw siyang plano kung muling tatakbo para sa ibang posisyon sa susunod na eleksiyon.

“No plans. Concentrate lang muna ako sa Batangas. Wala talaga, hindi ako nagpaplano talaga. With all honesty, kami ni Ralph (Recto), hindi namin pinag-uusapan,” giit pa niya.

Angel at Phil hanggang text na lang

Kamakailan ay nagkahiwalay na sina Angel Locsin at football superstar na si Phil Younghusband. Pagkatapos ng kontrobersiyal na hiwalayan ay nanatiling magkaibigan pa rin ang dating magkasinta­han. Ayon kay Angel ay mayroon pa rin silang komunikasyon ng binata.

“Nagte-text naman kami pero siyempre iwas muna magkita kasi ’di ba, paano magmo-move on kung kita nang kita?” pagtatapat ni Angel.

Pahayag naman ni Phil, “Yeah, we are still talking. We are friends and I still support her. I want to know what’s going on.”

Matatandaang bukas ang binata noon sa pagsasabing si Angel na raw ang babaeng gusto niyang pakasalan at makasama habangbuhay subalit hindi na rin nagtagal ang kanilang relasyon.

Mahigit isang buwan na ngayong magkahiwalay ang dalawa kaya sinusubukan daw ni Angel na maging maayos at masaya ang kanyang buhay kahit wala siyang nobyo.

“Wala naman tayong choice but to move on. Lahat naman tayo, siguro nga ’yung iba mas mabigat pa ang pinagdaanan kaysa sa pinagdadaanan natin. Patuloy ang buhay,” paliwanag ng dalaga.

Reports from JAMES C. CANTOS

 

ANGEL LOCSIN ATE VI BATANGAS GOVERNOR VI PHIL YOUNGHUSBAND VILMA SANTOS-RECTO WALA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with