Dingdong may kasunod na agad gagawin sa GMA
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - December 7, 2013 - 12:00am

Maganda ang sinabi ni Dingdong Dantes patungkol sa pagtatambal ng girlfriend niyang si Ma­rian Ri­vera at Alden Richards. Naniniwala siya sa tambalan ng dalawa at 100 percent ang kanyang suporta at siya ang magiging No. 1 fan ng Marian-Al­den love team. Siguradong ikatutuwa ito ni Alden at gusto na ring mapanood ni Dingdong ang Carme­la: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundo nila ni Marian.

For his part, nabanggit ni Dingdong na after Gene­sis na malapit nang matapos, tiyak siyang may susunod pa siyang project sa GMA 7 dahil hindi raw niya kakalimutan ang pagi­ging artista lalo’t may kontrata siya sa network.

Nabanggit din ng aktor na may gagawin siyang pelikula na pang-international film festival pero hindi nasabi kung saang film company. Hanggang nabasa namin ang interview kay direktor Erik Matti na may gagawin daw siyang movie for Dingdong. Ito ring kaya ang pelikulang ibinalita ni Ding­dong during the PPL Christmas party for the entertainment press?

Idinagdag din ni Dingdong na mag­kakaroon ng sequel ang Tiktik at ang Reality Entertainment at ang production niyang Agosto Dos pa rin ang co-pro­ducer.

Pagkamatay ng aktres, pino-problema ng production

Nakakatuwa ang problema ng production staff ng isang soap sa isa nilang artista, hindi nila alam kung paano kukumbinsihin na kailangan nang pa­ta­yin ang karakter niya sa soap. Isa sa highlight ng story ang pagkamatay ng kanyang karakter, kaso ayaw magpapatay ng aktres.

Never pa palang pinatay ang aktres sa maraming soap na kanyang ginawa at ayaw niyang sa soap mangyari. Siguro ayaw nitong masira ang kanyang record ngayon kaya hindi pumayag na patayin ang karakter niya.

Kaya sa araw na kukunan ang death scene ng aktres, hindi ito sumipot sa taping at dito nagkakaproblema ngayon ang production staff. Magugulat ang sumusubaybay sa soap kung basta na lang mawawala ang karakter ng aktres, kailangan may closure pero paano?

Unless kumuha na lang ng double ng aktres ang director para magawa ang eksena na kailangan sa istorya.

Joyce moving on pa rin kay kristoffer

Hanggang Dec. 22 na lang ang Dormitoryo, ang Sunday suspense-horror series ng GMA 7 at natutuwa ang mga taong nasa likod ng series sa magandang feedback at pagtanggap ng viewers sa series.

Si Joyce Ching alam na kung sino ang killer sa kanila pero sa serye pero bawal nilang sabihin para walang spoiler at para masorpresa ang viewers.

Balik-kontrabida rito si Joyce which she doesn’t mind at ang importante sa kanya may show siya at dahil never siyang naging problema ng network, may next show na siya na for airing next year.

Kabilang siya sa cast ng wala pang title na show na papalit sa Prinsesa ng Buhay Ko to be directed by Bb. Joyce Bernal. Hindi pa kumpleto ang cast pero kasama sa cast si Kristoffer Martin na ex-boyfriend ni Joyce.

Sabi ni Joyce okay lang na magkasama sila ni Kristoffer dahil friends na sila at nagkakasama na sa regional shows ng GMA 7. Sa tanong kung naka-move on na siya after their break-up, “moving on pa rin” ang sagot nito dahil “bonggang-bongga” siyang nasaktan sa breakup nila.

Ejay pinaghubad ng walong oras

Sina JC de Vera at Ejay Falcon ang love interest ni Vice Ganda sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy at ang comedian mismo ang pumili sa kanila. Parehong type ni Vice ang dalawa pero ngayong nakatrabaho na, nawala na ang crush nito sa dalawa.

Si JC ang kapareha ng baklang karakter ni Vice at si Ejay ay pag-aagawan ng bakla at girl karakter. Si Ejay lang ang nakadalo sa presscon at nagpaha­yag ng tuwa na mapasama sa movie kahit may eksenang walong oras siyang nakahubad.

Four times kasing inulit ni Direk Wenn Deramas ang fight scene ng apat na karakter at sabi ni Vice binagalan niya ang pagmi-makeup kaya babad ang nakahubad na si EJ.

AGOSTO DOS ALDEN RICHARDS ANG PINAKAMAGANDANG BABAE BUHAY KO DINGDONG DANTES DIREK WENN DERAMAS EJAY EJAY FALCON SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with