Ulilang lubos na dating child actress nagma-masters na sa London
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nagma-masters pala sa London, England ang dating child star na si  Serena Dalrymple na sumikat nang husto sa Isa Pang Chicken ad sa TV.

Ayon sa lumabas sa ABS-CBN.com nagma-master siya ng International Business sa Hult International Business School London.

Pero bago pala siya pumunta ng abroad,  naka-graduate siya ng business course sa De La Salle – St. Benilde sa bansa.

Tumira rin siya sa Amerika hanggang mag-decide na mag-aral sa London.

Bukod sa chicken joy ad na ‘yun, marami ring nagawang pelikula si Serena bago siya nag-concentrate sa pag-aaral.

Bata pa siya nang hangaan sa pelikulang Bata Bata Paano Ka Ginawa na pinagbidahan ni Gov. Vilma Santos at sa Tanging Ina series ni AiAi delas Alas.

Naalala kong batang-bata noon si Serena nang mamatay ang kanyang ina na si Wilma Billones Dalrymple. Kagagaling lang daw nito noon sa business trip sa Singapore at pagbalik ng bansa ay humina ang katawan hanggang bawian ng buhay. Ang sabi noon ng nanay ni Serena, kumain sila ng lobster sa Singapore. Pero ‘yung mga kasama naman daw ay walang nangyari at tanging ang nanay lang ni Serena ang nanghina pagdating ng bansa.

Eh wala na ring tatay noon ang bagets, isang Scottish.

So naiwan silang magkakapatid na ulilang lubos.

Obivously, naging maayos ang pagpapalaki sa kanila ng sinasabing nag-alaga sa kanila, ang Ma­yordoma nila.

Ngayon ay nasa Amerika na rin daw ang dalawang kapatid ni Serena at may kanya-kanya na ring buhay.

4 na pelikulang kasali sa MMFF, hindi pa tapos

Hindi pa pala tapos ang lahat ng pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival. Mga apat pa raw sa mga kasali ang nagso-shooting pa at dadaan pa sa post production. Pero nakiusap na ang source na ‘wag nang banggitin ang mga title. Pero mga nagmamadali na raw ang mga itong mag-shooting at nire-remind ng MMDA na meron silang deadline.

Rodjun sunud-sunod ang trabaho sa GMA kahit walang contract

Kasama na rin sa Kapuso ser­yeng Akin Pa Rin ang Bukas na pinagbibidahan nina Lovi Poe and Cesar Montano ang young actor na si Rodjun Cruz. Nakapag-taping na siya pero sa week 9 pa ng serye siya lalabas.

Imbestigador ang magiging role niya na tutulong kay Lovi sa mga nagtatangka sa buhay niya.

Follow up drama project ito ni Rodjun sa GMA after nang matagumpay na pagkakasama niya sa My Husband’s Lover.  Regular na rin siya sa Sunday All Star ng GMA, pero wala rin siyang network contract, per show pa rin.

“Pero nagpapasalamat na ako na kahit wala akong contract, sunud-sunod ang trabaho ko,” sabi ng kapatid ni Rayver Cruz na mas older pala ng one year and nine months sa Kapamilya actor. Ang akala kasi ng buong bayan, mas matanda si Rayver dahil mas matangkad ito.

Anyway, bago mag-GMA anim na taon din siyang natali sa ABS-CBN. Marami naman siyang naging show with his brother pero hindi rin nagtagal ay napunta siya sa TV5 at nakagawa siya ng ilang shows kasama na ang Bangis.

Pero after that show, kinuha uli siya ng ABS-CBN at kasama sa mga naging bida sa Juanita Banana at hindi na nasundan. Naghintay-hintay din naman siya pero naiba ang landas nang maging manager si Leo Dominguez.

Ngayon nga ay sunud-sunod ang project niya sa Kapuso Network.

Pero klinaro ni Rodjun na hindi sibling rivalry ang rason kaya siya kumabila ng network.

Sa ngayon ay ipon lang siya nang ipon at nagpa-planong mag-invest sa gym.

Nauna na silang nagtayo ng bar ng kanyang utol pero nagsara na ito.                                      

AKIN PA RIN AMERIKA BATA BATA PAANO KA GINAWA PERO RIN RODJUN SIYA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with