Laban ni Pacman mahalaga sa mga binagyo
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2013 - 12:00am

Napakahalaga ng laban ng People’s Champ na si Rep. Manny Pacquiao laban sa Mexican boxer na si Brandon “Bam-Bam” Rios sa darating na linggo na gaganapin sa Cotai Arena ng Venetian Hotel sa Macau hindi lamang dahil napaka-importante ito sa kanyang boxing career kundi dahil na rin sa kanyang mga kababayang Pilipino na umaasa na muli nitong maiangat ang Pilipinas na sinalanta ng sunud-sunod na kalamidad.

Iyon actually ang gagawing inspirasyon ni Rep. Pacquiao na makuha ang korona kay Rios kahit confident itong mapapatumba niya ang boxing hero ng Pilipinas. 

Tuwang-tuwa si Manny na malaman na may halos 12,000 empleyado ang Venetian Hotel sa Macau ay mga Pinoy, ganun din ang iba pang mga hotel at iba pang business establishments ng nasabing bansa.

Buo ang paniniwala ng mga Pinoy all over the world na muling mapapatumba ng Pinoy boxing hero ang kanyang makakatunggali na si Rios. 

Miss Earth 2012 talbog ang lahat ng kandidata ng 2013

Napaka-pleasant at warm ng lahat ng kandidata (about 90 of them) ng Miss Earth 2013 nang ang mga ito ay mag-lunch at dinner (separately) sa kilalang Toki Japanese Restaurant sa Bonifacio Global City sa Taguig City kamakailan lamang kasama ang reigning Miss Earth 2012 na si Tere­za Fajksova ng Czech Republic.

Sinabi namin kay Tereza na nakakahawig siya ng Fil-Am actress na si Donita Rose at marami nga raw ang nagsabi nito sa kanya. Stand out ang ganda ni Tereza kumpara sa mga kandidata na lalaban sa taong ito ng koronang kanyang pinanghahawakan ngayon. Bukod sa kanyang ganda at talino, ang Miss Earth 2012 ay bemedalled national volleyball champion with 16 medals to her credit. Bukod sa kan­yang pagiging modelo, nakakapagsalita rin ito ng iba’t ibang leng­guwahe tulad ng English, Czech, Slovak, at German.

Ang coronation night ng Miss Earth 2013 na produced and organized ng Carousel Productions ay gaganapin sa Versailles Palace ng Alabang, Muntinlupa City on Dec. 7 sa ganap na ika-pito ng gabi with David Pomeranz as special guest performer.

Ang kinatawan ng Pilipinas ay si Angelee Laudett delos Reyes, isang licensed nurse at marketing head ng Lyceum Philippines sa Olongapo City. Si Angelee bale ang nanalong Miss Philippines-Earth 2013.

Agot balik-GMA, kasama sa show ni Marian

Nakakatuwa talaga ang mga senior actor dahil nakukuha nilang maglagare o mag-ikot sa iba’t ibang TV networks dahil wala silang exclusive contracts kundi per program lamang ang kanilang pini­pirmahang kontrata. Ang hindi lamang nakakalipat ay si Gina Pareño dahil hindi pa man natatapos ang isang proyekto ay may naghihintay na sa kanyang bagong assignment.

Ang singer-actress na si Agot Isidro ay katatapos lamang mapanood sa ABS-CBN sa Muling Buksan ang Puso at hindi magtatagal ay mapapanood na siya sa bagong TV series ni Marian Rivera sa GMA, ang Catarina (tentative title) na ididirek ni Dominic Zapata at mula sa panulat ng head writer ng GMA na si Suzette Doctolero, the team behind the success of My Husband’s Lover na kamakailan lamang nagtapos sa ere.

AGOT ISIDRO ANGELEE LAUDETT BONIFACIO GLOBAL CITY BUKOD CAROUSEL PRODUCTIONS MISS EARTH PILIPINAS PINOY VENETIAN HOTEL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with