Nonito at Ariella kinapos sa atensiyon

RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2013 - 12:00am

Dahil nakatutok ang buong mun­do sa trahedya dulot ng Yo­landa sa Eastern Visayas, hindi ga­anong na­bigyan ng halaga at attention ang magkasunod na ka­rangalan na dala nina Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. at Ariella Arida.  

Muling naibangon ni Do­nai­re ang kanyang korona sa kanilang rematch flight ng Ar­­manian fighter na si Vic Dar­chinyan at ang pagkakakuha ni Ariella ng 3rd runner-up title sa nakaraang Miss Universe beauty pageant na ginanap sa Moscow, Russia.

Coverage ng international channels malaking tulong para sa maraming donasyon

Samantala, malaki ang naitulong ng sunud-su­nod na live coverage ng CNN, BBC, at ng ibang in­ter­national news channels para mapukaw ang dam­da­min ng iba’t ibang bansa para magbigay ng tulong sa mga sinalanta ng bagyo sa Pilipinas.

Leyte kulang pa rin sa tulong

Nakahinga lamang kami ng maluwag nang ma­karating ng maluwalhati sa Tacloban, Ley­te ang aking pamangkin na si Melvin Esperas dala ang kanyang sasakyan na nag­­lalaman ng mga pagkain at inumin para sa kanyang mga magulang, mga pa­mangkin, at ibang kaanak sa Tacloban at Borongan City, Eas­tern Samar. Halos dalawang araw ang kanyang naging biyahe mula Maynila bago siya nakara­ting ng Tacloban.

Ayon kay Melvin, sa Mat­nog (Bicol) sila natagalan sa rami ng mga sasak­yan at goods na nakapila na kailangang isakay sa roro vessel patawid ng Allen, Samar. It was not an easy travel dahil pagdating ng Tacloban at Eastern Samar ay wala na silang mabilhan ng gasolina.

Si Melvin ay isa lamang sa libong nagbiyahe papuntang Samar, Tacloban, at ibang bahagi ng Leyte by land para personal na alamin ang kalagayan ng kanilang mga mahal sa buhay sa nasabing mga lugar dahil sa kakulangan ng komunikasyon at commercial flights.

Masayang ibinalita sa amin ni Melvin na ligtas ang aming mga kaanak sa Tacloban at Borongan pero tulad ng ibang mga biktima ni Yolanda, wala rin silang supply ng pagkain at inumin at iba pang mga basic na pangangailangan. Natuwa rin ang a­king pamangkin sa kumpanyang Globe na kanyang pi­nag­tatrabahuhan dahil nagbigay din sila ng relief goods sa kanyang pamilya sa Tacloban.

Kitang-kita rin ni Melvin ang matinding damage sa Tacloban at Eastern Samar nang makarating na at matinding lungkot ang kanyang naramdaman nang tumambad ang maraming bangkay na nasawi dahil kay Yolanda.

Hirap man sa biyahe, masayang babalik ng May­nila si Melvin na dala ang pasasalamat sa Diyos na ligtas niyang inabutan ang kanyang mga mahal sa buhay sa Tacloban at Borongan.

ARIELLA ARIDA BORONGAN EASTERN SAMAR KANYANG MELVIN SAMAR SHY TACLOBAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with