_ngayon
^

PSN Showbiz

Aga at Charlene dadayo sa Leyte para mamigay ng tulong

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nakaplano raw magpunta sa mga lugar na matinding naapektuhan ng bagyong Yolanda ang mag-asawang sina Charlene Gonzalez at Aga Muhlach para mag-abot ng tulong sa ating mga kababayan.

“I plan to go to Tacloban or Ormoc when things start to clear up. My understanding kasi medyo parang hindi makapasok pa. When things start to clear up baka by next week or the week after. May plano kami ni Aga na pupunta kami roon,” bungad ni Charlene.

Ngayon ay abala raw ang aktres sa pagtulong sa iba’t ibang orga­nisasyon na nagsasagawa ng relief operations.

“I’ve been joining different fund-raisers and relief operations. I’ll be joining Sagip Kapamilya, Unilever, Red Cross. I’m really encouraging others to go out and try to give support and help na kailangan ng ating mga kababayan.

“My heart really goes out to our kababayans who go through this tragic moment. Naiyak talaga ako. We should really help ’yung ating mga kababayan na nasalanta ng bagyo. I’m asking everyone to go out and help kung kaya n’yo, in your own little way,” dagdag pa ni Charlene.

Alessandra confused at nagpaapi

Palabas pa rin hanggang Nov. 19 sa Glorietta, Trinoma, at Robinsons Galleria ang mga pelikulang kalahok sa 9th Cinema One Originals. Isa na rito ang Woman of the Ruins na pinagbibidahan ni Alessandra de Rossi.

Ayon sa aktres, makikita raw ng mga manonood sa nasabing pelikula ang kanyang softer side.

“Sinasabi nila this is something new. Gusto n’yo horror? Meron kami. Gusto n’yo action? Meron kami. Pag-ibig? Meron din kami niyan. Ito ’yung talagang malumanay na side ko. Makikita nila ’yung sobrang lumanay, sobrang hinhin, sobrang confused, kasi most of the time strong ’yung characters ko eh sure ako sa ginagawa ko eh. Ito, hindi ako sigurado, hindi ako sure kung ito ba ’yung tamang attack kasi confused nga ’yung buong character eh. So ‘yun ‘yung makikita n’yo. At saka inaapi talaga ako rito, sinasaktan, gano’n,” paglalarawan ni Alessandra.

Mapili raw talaga ang dalaga sa paggawa ng mga proyekto at pinaghahandaan niya ng sobra ang lahat ng kanyang ginagawa.

“As in basa muna ng script kasi siyempre ayaw mo namang gumawa ng basta-basta. Gusto mo siyempre maganda lagi ’yung gawa mo. Para sabihing mahusay, the best ang desisyon mo, kasi mahirap naman na sayang ‘yung path eh. Dapat maganda lahat.

“Masaya ako na lagi akong naiisip kunin kapag indie film,” giit ni Alessandra.

Reports from JAMES C. CANTOS

AGA MUHLACH ALESSANDRA CHARLENE CHARLENE GONZALEZ CINEMA ONE ORIGINALS MERON RED CROSS YUNG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with