_ngayon
^

Non-showbiz GF napaiyak sa ‘kabaklaan’ ni Joem

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2013 - 12:00am

Simula ngayong araw hanggang Nov. 19 ay gaganapin ang 9th Cinema One Originals Festival. Mapapanood ang mga pelikulang kalahok dito sa Glorietta (Makati City), Trinoma (Quezon City), at Robinsons Galleria (Pasig City). Masayang-masaya si Joem Bascon dahil nakasali ang pelikula niyang Blue Bustamante sa nasabing festival. Kahit nalilinya ang aktor sa paggawa ng mga indie film ay itinuturing daw niya itong malaking biyaya.

“Hindi ko na talaga alam kung pang-ilang indie film ko na ito for this year. I think it’s my third or fourth one na independently produced kasi alam n’yo naman ako gumawa ng film eh, ’di ba it’s usually very heavy, very daring? So for the first time, nakagawa ako ng medyo family-oriented na light lang to make people see the brighter side of life na hindi lang namin gustong ipakita ’yung kahirapan ng lipunan,” paliwanag ni Joem.

Kamakailan ay naging kontrobersiyal din ang pagganap ng binata sa pelikulang Lihis nila ni Jake Cuenca. Nagkaroon ng maiinit na eksena ang dalawang aktor at ayon kay Joem ay nadismaya at napaiyak ang kanyang kasintahan nang mapanood ito.

“I told her don’t worry kasi it’s just my work. Kumbaga I really have to tell her na this is my job. Hindi kasi ako ’yung typical na aktor lang na would do the matinee idol type of roles. I’m the type who is a character actor kasi, ’yun ang sinabi ko sa kanya. Sabi niya, ‘Okay, at least open ka at sinasabi mo sa akin. Hindi ka nagtatago. Hindi ko sa ibang tao malalaman.’

“Sabi niya sa akin maging honest lang ako sa kanya and she’ll still accept me for who and what I am,” kuwento ng aktor. 

Jake hinamong mag-soccer ang Teng brothers para kay Jessy

Aminado ang magkapatid na basketball players na sina Jeron at Jeric Teng na hinahangaan nila ang ganda ni Jessy Mendiola. Nanliligaw din kay Jessy ang mga aktor na sina Jake Cuenca at Sam Milby. Pabirong hinamon ng Teng brothers ang iba pang manliligaw ni Jessy na daanin na lamang daw sa isang basketball game.

Nagbigay naman si Jake ng reaksiyon tungkol sa na­ging hamon ng magkapatid.

“Eh ’di mag-football kami at kung sino ang mas maga­ling. Mag-soccer kami. Tingnan natin kung sino ang mas magaling. Kung magba-basketball ako, mag-soccer kami, game ako.

Kung papayag sila mag-soccer, basketball kami,” natatawang hamon ni Jake sa Teng brothers.

Sa kabilang banda, hindi naman maaaring daanin lamang sa isang laro para ipakita ang tunay na nararamdaman ni Jake para kay Jessy.

“For me, love is not a game at kung seryoso ka sa isang tao, hindi mo dapat gano’n tinitingnan. Okay kami ni Jessy at ’yun lang ang masasabi ko,” makahulugang pahayag ng aktor.

Reports from JAMES C. CANTOS

 

 

BLUE BUSTAMANTE CINEMA ONE ORIGINALS FESTIVAL JAKE CUENCA JERIC TENG JESSY JESSY MENDIOLA JOEM JOEM BASCON
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with