Pero wala sa hitsura, Gov. Vi puwede nang gumamit ng senior citizen card
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 3, 2013 - 12:00am

Ngayon ang 60th birthday ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto kaya babatiin ko siya ng happy birthday, more power at more blessings from God!

Senior citizen na nga si Mama Vi pero wala sa hitsura niya dahil marunong siya na mag-alaga ng katawan.

Hindi ko alam kung saan ipagdiriwang ni Mama Vi ang kanyang birthday. Magkasama kaya sila ng kanyang anak na si Luis Manzano na enjoy na enjoy sa Japan? Happy birthday Mama Vi!

Aljur nagpapaka Concert King

Binigyan na ako ni Aljur Abrenica ng complimentary tickets para sa Come and Get Me, ang concert niya sa Music Museum sa Nov. 7.

Nag-guest kahapon si Aljur sa Startalk dahil nag-promote siya ng Come and Get Me. Special guests niya sina Julie Anne San Jose, Kris Bernal, Rochelle Pangilinan, at ang kanyang kapatid na si Vin Abrenica.

Natawa si Aljur sa biro na siya na ang bagong Concert King dahil sa show niya sa Music Museum. Hindi ma-take ni Aljur ang Concert King title dahil para sa kanya, si Martin Nievera pa rin ang nag-iisang hari ng mga concert sa Pilipinas.

Candy nahirapang humanap nang tutulong

Ang ganda ng episode kahapon ng Wish Ko Lang. Nag-disguise si Candy Pangilinan bilang isang babae na puro buhok ang mukha na naghahanap sa puntod ng kanyang ina.

Maraming nilapitan at hiningan ng tulong si Candy sa sementeryo na pinuntahan niya pero walang nag-attempt na tumulong dahil sa kanyang hitsura.

Muntik nang sumuko si Candy at ang staff ng Wish Ko Lang na nakakubli pero isang binatilyo ang tumulong sa kanya. Sinamahan at inihatid si Candy ng binatilyo at ng mga kasama nito sa libingan na hinahanap niya.

Walang kamalay-malay ang mga bagets na kinukunan sila ng mga hidden camera ng top-rating show ni Vicky Morales.

Gulat na gulat ang mga bagets nang malaman nila ang sorpresa ni Candy at ng Wish Ko Lang. Tuwang-tuwa naman si Candy dahil sa kabutihan na ipinakita sa kanya ng mga bagets. Napatunayan niya na marami pa rin ang mga kababayan natin na nagtataglay ng ginintuang puso.

Katomboyan ni Charice tinanggap na ng lola

Hindi sumusuko si Charice at ang kanyang girlfriend na si Alyssa Quijano. Ipinagdarasal nila na darating ang araw na matatanggap sila ni Raquel, ang ina ni Charice na tutol sa kanilang love affair.

Tinanggap na ng lola ng Pinay international singer ang tunay na pagkatao ng kanyang apo. Inimbitahan niya ang magdyowa na dalawin siya sa kanyang bahay.

Tiyak na natuwa sina Charice at Alyssa dahil nadagdagan ang kanilang kakampi. Malaking bagay na tinanggap ng lola niya ang kanyang pagkatao at ang relasyon nila ni Alyssa.

Parang si Alyssa na ang huling babae sa buhay ni Charice, kung pagbabasehan ang mga pahayag sa Startalk ng kanyang  “boyfriend.”

Ewan ko lang kung napanood kahapon ni Raquel ang interview kina Charice at Alyssa. At kung napanood niya, natuwa kaya siya o lalong naimbiyerna?

Mga tao sa sementeryo nagdusa sa dahil sa pagtatapon ng basura

Bumuhos ang malakas na ulan noong Nov. 1 kaya bumaha sa mga sementeryo at memorial parks.
Kasalanan din ng mga tao ang pagbaha dahil walang pakundangan ang pagtatapon nila sa kalsada ng mga basura. May mga basurahan naman pero pinairal pa rin nila ang kawalan ng disiplina. Sino ba ang mga nagdusa? Sila rin dahil napilitan sila na lumusong sa tubig baha na epekto ng mga basura na ikinalat nila.

Mahihirapan na umunlad ang ating bayan hangga’t walang disiplina ang mga Pilipino.

ALJUR ALYSSA CHARICE CONCERT KING DAHIL KANYANG MAMA VI NIYA WISH KO LANG
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with