Mga nakakadiring baho ng pamilya Barretto, burado na sa Instagram!
SEEN SCENE - Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2013 - 12:00am

SEEN: Binura na ni Connie Barretto sa kanyang Instagram account ang sagutan ni Gretchen Barretto at ng basher na nagtatago sa pangalan na Bullygretchen. Si Connie ang sister-in-law ni Gretchen. 

Ibinuko ni Gretchen sa Instagram account ni Connie ang mga sikreto ng kanyang nanay na si Inday Barretto. 

SCENE: Showbiz na showbiz ang magkapatid na sina Jeron at Jeric Teng. Enjoy na enjoy sila sa atensiyon na ibinibigay ng media.

SEEN: Jampacked ang show ng Hollywood Filipino-American actor Rob Schneider na ginanap kagabi sa grand ballroom ng Solaire Resort & Casino, Pasay City.

P6,100.60 at P3,882.20 ang presyo ng tickets sa one-night performance ni Rob.

SCENE: Babinka ang tawag ni Rob Schneider sa bibingka. Adobo at bibingka ang mga unang gustong kainin ni Rob nang bumalik siya sa Pilipinas noong Sabado.

SEEN: Nag-check out na kahapon si Wenn Deramas sa St. Luke’s Me­dical Center, Quezon City.

Napakasamang tao na nagkalat ng balita na nagkaroon siya ng mild stroke, ang pahayag ng direktor ng Bekikang: Ang Nanay Kong Beki.

SCENE: Pinasaya nina Daniel Padilla at Zsa Zsa Padilla ang mga pasyente ng Childhaus na nagdiwang ng 10th anniversary noong Linggo.

SEEN: Aktibo si Francine Prieto sa mga report niya kahapon tungkol sa mga katiwalian na naganap sa barangay elections sa Parañaque City.

SCENE: Lumabas ang tunay na edad ni Phoemela Baranda dahil sa kanyang pag-amin na 15 years old na ang anak na itinago niya nang matagal.

ANG NANAY KONG BEKI CONNIE BARRETTO DANIEL PADILLA FRANCINE PRIETO GRETCHEN GRETCHEN BARRETTO HOLLYWOOD FILIPINO-AMERICAN INDAY BARRETTO ROB SCHNEIDER
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with